PATAY ang isang 18-anyos na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) makaraang tumalon mula sa roofdeck at bumagsak sa ground floor ng isang condominium sa Sta. Mesa, Manila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Peter John Rostata y Canonoy, binata, estudyante ng PUP-Manila at residente ng Valdez St., Sampaloc, Manila. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Boy Nino Baladjay kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 9:10 ng gabi nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa roof deck ng El Pueblo…
Read MoreTag: PUP
6-ORAS NA TRABAHO SA SENIOR CITIZENS ISINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) ANIM na oras lang patatrabahuin ang mga senior citizen na ieempleyo ng gobyerno at maging ng mga private sectors upang matulungan ang mga ito sa kanilang pinansyal na pangangailan. Ito ang nabatid matapos ilunsad ng Kamara at Department of Labor and Employment (DOLE) Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) para mabigyan ng trabaho ang senior citizens. Base sa mga inaprubahang Memorandum of Agreement (MOA) ng PUP, DOLE Secretary Silvestre Bello III kasama si Rep. Ronnie Ong, ng Ang Probinsyano…
Read MoreDU30 NAG-VETO SA PUP BILANG NATIONAL UNIVERSITY
(CHRISTIAN DALE) IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso ang bill o panukalang batas ng pinagsamang Senate Bill No. 2124 at House Bill No. 9023 (The Charter of the Polytechnic University of the Philippines) na wala niyang pirma. Ang kopya ng kanyang liham kay Senate President Vicente Sotto III at mga miyembro ng Senado ay ipinalabas ng Malacanang sa media. “While I recognize the noble objective of the measure to promote, foster, nurture, and protect the right of all citizens to accessible quality education, I have serious reservations on…
Read MoreRECRUITMENT NG NPA SA SCHOOLS TALAMAK
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) GAYA ng inaasahan ay bumuhos ang luha sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng nawawalang mga estudyante na nire-cruit ng makakaliwang grupo. Sa isinagawang ikalawang pagdinig ng Senate Comittees on Public Order and Dangerous Drugs at ng National Defense and Security, inusisa ng mga senador ang dumating na dating miyembro ng New People’s Army-Communist Party of the Philippines (CPP-NPA). Isa sa mga testigong dumating ang 21-anyos na babae na nakatakip ang mukha nagpahayag ng sinapit nito sa kamay ng makakaliwang grupo nang…
Read MoreLIBONG ESTUDYANTE UMALMA SA PAGPAPASARA NG PUP PQUE
(NI MINA DIAZ) PINALAGAN ng libu-libong mga estudyante ang planong pagpapasara sa sangay ng Polytechnic University of the Philippines (PUP). Napag-alaman na itinigil na ang pagtanggap ng mga aplikante sa PUP Parañaque upang tuluyan na itong maisara. Inaasahan sana ang mas malaki pang bilang ng enrollees ngayong taon ngunit naka-hold umano ang mga application. Unang lumagda ang pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamunuan ng PUP para sa unang 12-taong kontrata sa pagtatayo ng pamantasan sa siyudad at ang mga kursong ibubukas ay may kinalaman sa information technology at hotel and…
Read MorePUP BILANG NATIONAL UNIVERSITY APRUBADO NG SENADO
(Ni NOEL ABUEL) Aprubado na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong tuyukin ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) bilang pinakamalaking state university sa bansa at gawin itong National Polytechnic University. Base sa desisyon ng Senate education, arts, and culture committee sa Senate Bill 2037, hiniling ni Senador Francis Escudero, chairman ng komite, sa PUP na magsumite ng datos sa road map na sinusunod ng ibang mga bansa sa pagdedeklara ng mga national universities. Nais ni Escudero na malaman ang kaibahan ng National University status na ipinagkaloob sa Uni-versity…
Read More