(NI MAC CABREROS) SUPORTADO ng National Employees Union ng Department of Education (DepEd-NEU) ang plano ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na balasahin ang Schools Division Superintendent (SDS), Assistant Regional Director (ARD), Regional Director (RD) at iba pang third level positions dito. Ayon Atty. Domingo Alidon, pangulo ng DepEd-NEU, dapat kada tatlo o limang taon ay binabalasa ang mga opisyal upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon. “There’s a saying that: too much familiarity in the office might result to corruption,” pahayag Alidon. Hinihikayat din ng grupo si Briones na…
Read MoreTag: reshuffle
BALASAHAN SA GABINETE POSIBLENG ISABAY SA SONA
(NI BETH JULIAN) INAASAHAN na ang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung hindi ngayong linggo ay posibleng magaganap ito kasabay ng State of the National Address (SONA) ng Pangulo. Pero ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, maliit lamang na bilang ng Gabinete ang maaapektuhan ng reshuffle o balasahan. Gayunman, hindi na tinukoy ni Andanar kung sinu-sino ang mga maaapektuhan ng balasahan. Si Andanar ay isa sa tinutukoy na maapektuhan saan itatalagang presidential adviser on political affairs kapalit ng kumandadito at ngayon ay senator Francis Tolentino.…
Read MoreILLEGAL SA LOOB NG PIITAN BUKING; OPISYAL BINALASA
(NI FROILAN MORALLOS) BINALASA ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang BI Warden Facility Protection Unit (BIWFPU) sa Camp Bagong Diwa, Taguig, makaraang makuhanan ng maraming illegal items sa tulugan ng mga nakakulong . Ito ay matapos ang random inspection noong March 25 na pinangunahan ni Intelligence Officer Melody Penelope Gonzales, kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force. Maliban sa P100,000 na itinago ng mga warden, nakumpiska rin ang iba’t ibang ipinagbabawal na kagamitan katulad ng laptop, chargers, speakers, tablets, cellular phones, DVD players, power banks, casino…
Read More