SUSPENSIYON SA RICE IMPORTATION BINAWI NI DU30

rice66

(NI CHRISTIAN  DALE) BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan nito na suspendihin ang rice importation ng bansa. Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang pagsuspinde sa pag-angkat ng bigas sa panahon ng ani. Sa talumpati ng Pangulo sa Sarangani Energy Corp. (SEC) 2 Power Plant Inauguration and Launching of Siguil Hydrpower Project SEC Conference Room, Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani Province, sinabi nito na mali ang pagkakaunawa sa kanyang kautusan. Aniya, ‘folly’ o kahangalan na ihinto ang rice importartion. Sinabi pa nito na delikado na ipasuspinde ang pag-angkat ng bigas…

Read More

IMPORTASYON NG BIGAS IPINAHINTO NI DU30

bigas22

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng rice importation sa gitna ng paghihirap ng mga magsasaka sa Rice Tariffication Law. Sa panayam ng GMA News, sinabi ng Pangulo na mag-uumpisa na ang gobyerno na bumili ng lokal na bigas upang matulungan ang mga magsasaka na mga nalugmok sa pagbaha ng imported na bigas sa merkado. Noong Pebrero, nilagdaan ng Pangulo ang Rice Tariffication Law na nagtatanggal sa restriksiyon ng importasyon ng bigas sa paniwalang maibaba ang presyo nito sa merkado. Gayunman, direktang naapektuhan ang mga magsasaka sa batas na…

Read More

CLEARANCE SA RICE IMPORTATION PINAHIHIGPITAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MATAPOS pangunahan ang pagpapasa ng panukala para sa liberalization ng pag-aangkat ng bigas, pinahihigpitan ngayon ni Senador Cynthia Villar sa Department of Agriculture ang rice importation. Ito ay kasunod ng report ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Services na umabot na sa 3 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas simula nang aprubahan ang Rice Tariffication Law. Lumitaw sa ulat na ang Pilipinas ang itinuturing na world biggest rice importer at naungusan na ang China. Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on…

Read More

PALAY BAGSAK-PRESYO NA SA P9.50/KILO

old farmer12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T dalawang buwan pa lamang ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, nalugmok na nang tuluyan ang mga magsasaka ng palay dahil binibili na lamang ngayon ng P9.50 kada kilo ang kanilang aning palay. Ito ang dahilan  kaya inihain ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao  ang Resolution of Both House (RBH) No. 18  upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin muna ang implementasyon ng nasabing batas. “Alam naman siguro ng ating kapwa mambabatas na matindi na ang tama (ng batas) sa lokal na industriya…

Read More

RICE INDUSTRY PAPATAYIN NI DIOKNO; DA PUMALAG

bigas

(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ni  Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na maituturing na death trap ang suhestiyon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na iwanan na ng mga magsasaka ang pagtatanim ng palay at sa halip ay mga high value crops gaya ng abaca, cacao, cassava, coffee, oil palm at rubber ang itanim. Ayon kay Pinol hindi maaring iasa na lahat sa importasyon ang pangangailangan ng bansa sa bigas. “It is as certain as the sun will rise tomorrow that 10 years from now, Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, Pakistan and India will…

Read More

RICE CARTEL MAGHAHARI SA RICE RATIFICATION

rice

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG ibang makikinabang sa Rice Ratification Bill kundi ang mga rice cartel na magdidikta ng presyo ng bigas sa bansa na posibleng maging dahilan para lalo pang tumaas ang presyo ng pangunahing pagkain ng mga Filipino. Ito ang ibinabala ng mga militanteng grupo sa Kamara kaugnay ng nasabing panukala na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging dahilan ng tuluyang pagkamatay ng rice industry sa bansa. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, ang layon ng Rice Ratification ay payagan ang mga pribadong rice…

Read More