ILANG araw pa lang mula nang nagpalit ng taon ngunit tila napakarami nang nangyari hindi lang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. Nariyan ang nangyayaring bushfire sa Australia, ang patuloy na pagbuga ng volcanic ash ng bulkang Taal na nakaapekto na sa maraming kalapit na lugar pati sa Metro Manila, at ang pinangangambahang posibilidad ng pagkakaroon ng World War III bunsod nang pag-atakeng ginawa ng Amerika sa Iran ilang linggo ang nakakaraan. Sa kabila ng napakaraming kaganapan, isa pa rin ang usapan ukol sa pag-atake ng Amerika sa…
Read MoreTag: Sa Ganang Akin
PAGLABAN SA NAGBABADYANG KRISIS SA SUPPLY NG TUBIG
HABANG ang lahat ay nakatutok sa kontrobersiyang dala ng mga Concession Agreement (CA) ng Maynilad Water Services, Inc. at ng Manila Water Co., isang matinding krisis naman ang pinaghahandaan ng dalawang nasabing kumpanya. Bunsod nang nananati¬ling kritikal na lebel ng Angat Dam ay nanganganib na makaranas ng malubhang kakulangan sa supply ng tubig ang Metro Manila kasama ang ilang mga lugar sa Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan. Tinatayang nasa bilang na 16.5 milyong konsyumer ang maaaring tamaan ng nakaambang na krisis sa supply ng tubig sa bansa. Sa kasalukuyan, 97%…
Read MoreMGA KAHILINGAN PARA SA TAONG 2020
PANAHON na naman nang paggawa ng mga resolusyon sa pag-asang magiging mas mabuti tayo at ang mga bagay na dala ng bagong taon. Karaniwang ginagawa ang mga pagpaplano sa umpisa ng taon. Nariyan pa ang paggawa ng listahan ng mga resolusyon ngunit nakalulungkot na karaniwang hindi na ulit tinitingnan ang listahang ito matapos maisulat. Sa madaling salita, ang mga resolusyon ay karaniwan nang hindi nasusunod. Sa halip na gumawa ng listahan ng mga resolusyon, mukhang mas mainam pa kung gumawa na lamang ng listahan ng mga kahilingan para sa taong…
Read MorePOSITIBONG PANANAW PARA SA 2020
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang pagpapalit ng taon ay nagbibigay sa bawat isa ng pag-asa na ang bagong taon na papasok ay magiging mas maganda para sa bawat isa. Ang paniniwalang ito ay naaangkop din para sa ating bansa. Bunsod ng naging magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2019, napakalaki ng pag-asa na magiging mas maganda at maunlad ito sa taong 2020. Ayon din kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, epektibo ang “catch up” plan ng gobyerno dahil sa naging magandang takbo…
Read MoreMODERNONG TEKNOLOHIYA PARA SA IKABUBUTI NG SISTEMANG PANGHUKUMAN
Sa tingin ko ay nasa isip ng lahat na nangunguna ang Japan sa pag-develop at paggamit ng artificial intelligence (AI) upang punuan ang kanilang kakulangan sa manggagawa at gumamit ng mga robot upang gawin ang mga madadali at paulit-ulit na uri ng trabaho. Pero alam ninyo ba na pati ang China, kahit na ba sila ang may pinakamalaking populasyon sa mundo, ay pumasok na rin sa eksena at gumagamit na rin ng AI upang ma-automate ang mga serbisyong legal sa ilang mga komunidad nito? Nalaman ko lang din ito mula…
Read MorePROTEKSYONG HATID NG CODE VIOLET PROTOCOL
Aking napagtanto ang peligro at ang matinding paghamon na hinaharap ng ating medical practitioners. Bilang ama ng isang bagong doktor, alam ko na marami ang nag-iisip na malayo sa peligro ang mga ito sa kanilang trabaho, ang pasiglahin at pagalingin ang tao. Pero hindi pala ito ang kadalasang nangyayari. Madaming usap-usapan sa internet tungkol sa mga bayolenteng insidente kung saan nabibiktima ang ating medical practitioners. Talamak ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa conflict areas. Ang nakakagulat dito ay ang mga karahasang ito ay nangyayari dahil sa nakakadismayang serbisyong nakuha…
Read MoreYORME ISKO, DAPAT TULARAN
Noong isang linggo ay naanyayahan akong dumalo sa Pilipinas Conference at ang kanilang paksa para sa araw na iyon ay Environmental Stewardship. Marami ang dumalo sa nasabing forum na isinagawa ng Stratbase, at marami rin ang mga iba’t ibang paksang napag-usapan, kasama na rin dito ang tungkol sa sustainability. Isa sa mga dumalo rito ay ang kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na siyang nagbukas ng programa at nagdala ng usapan para sa okasyon. Laking tuwa ko nang makita ko si Manila “Yorme” Isko Moreno na siyang nagsalita sa…
Read MoreENERGY INDUSTRY SA TAIWAN
ANG Taiwan ay binubuo ng mga masisipag na tao at dahil dito ay isa sila sa may pinakaprogresibong ekonomiya sa rehiyon. Isa rin silang magandang halimbawa ng bansa na may magandang energy security. Kamakailan lang ay nakita ko ito mismo nang ako ay nagkaroon ng pagkakataong dumalaw sa Linkou Power Plant sa Taipei, Taiwan. Noong 2014, ang pangunahing power plant dito ay nag-decommission ng dalawang 300MW coal plants na naitayo pa noong dekada 60. Dahil dito, kinakailangang gumawa ng paraan ang Taiwan para masiguro na magkakaroon sila ng bago at…
Read MorePAG-HOST NG SEA GAMES, ISANG MALAKING KARANGALAN
Kaliwa’t kanan ang batikos na ibinabato rito sa pinagawang kaldero para sa opening ng 30th SEA Games na nagkakahalaga ng P50 milyon. Maliban pa rito ay ang nakabinbing pagsisiyasat ng Kongreso para sa P1.5 bilyong pondo para sa paghu-host ng paligsahang ito na hindi umano dumaan sa public bidding. Marahil ay marami ang nagtatanong kung ano ba ang mahihita rito? Nauna nang tinanggihan ng bansang Brunei ang pag-host nitong paligsahang ito dahil sa kakulangan ng pondo. Dahil dito ay malinaw naman na isang matinding hamon ang pag-host nito pero sinalo…
Read More