Simula Oktubre 1 nitong taong kasalukuyan ay ipinagbawal ng Meralco ang paggamit o pagdadala ng mga single-use plastic (SUP), polystyrene foam o styrofoam at iba pang mga katulad na produkto, sa kanilang mga opisina at corporate events. Ito ay bilang bahagi ng kanilang sustainability initiative at pagsali na rin sa kampanya ng gobyerno para mailigtas ang ating kalikasan laban sa polusyon. Inanunsyo rin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta niya na ipagbawal ang mga plastik na materyales upang makabawas sa polusyon at mailigtas ang kalikasan mula sa malawakang pagkasira.…
Read MoreTag: Sa Ganang Akin
MABILISANG PAGKILOS UPANG SAKUNA AY MAIWASAN
Naudlot ang mahimbing kong pagtulog noong Huwebes ng umaga dahil sa aking naramdamang lindol. Biruin mo, ang 5.5 magnitude na lindol na ito na ayon sa NDRRMC ay tumama sa Jomalig, Quezon, ay aking naramdaman sa aming condominium unit sa may Pasig. Buti na lang at walang nasawi dahilan sa nasabing lindol, hindi katulad noong mga tumama sa Cotabato City at Kidapawan City. Nagdulot din ng pagguho ng mga gusali sa Soccsksargen at Davao ang mga lindol na ito sa Mindanao, dahilan para mawalan ng tirahan ang humigit sa 35,000…
Read MoreANG BAGONG BATAYAN NG PAMUMUNO
Sa aking ilang dekada bilang isang PR Practitioner, pinakamatagal at mas kilala ako bilang Tagapagsalita at Pinuno ng Public Information Office ng Meralco. Bukod dito ay ako rin ang kasalukuyang Chairman ng International Association of Business Communicators o ng IABC Philippines. Para sa akin, hindi biro ang maging isang lider dahil hindi lang naman kasanayan at kaalaman ang kailangan para mamuno, kung hindi ang makuha ang tiwala ng iyong mga katrabaho. Kaya nga sakto rin ang tema ng aming 2019 Year-End General Membership Meeting na “Trust and the Public Servant”.…
Read MoreSEGURIDAD NG MGA GUSALI, IMPORTANTENG SUNDIN AT OBSERBAHAN
Noong nakaraang linggo lang ay lumindol sa bandang silangang bahagi ng bansa kung saan kumitil ito ng walong buhay at nag-iwan ng dose-dosenang mga nasaktan. Ang pangyayaring ito ay isang paalala sa matagal nang inaabangan nating lahat na tinatawag na “The Big One” na maaaring dumating kung kailan hindi natin inaasahan. Nang dahil dito sa lindol na naganap mukhang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno kung anong klaseng teknolohiyang pangkonstruksyon o paggawa ng bakal ang naaayon para sa ating bansa. Ang mga pangambang ito ay marahil naging sanhi rin…
Read MoreSAMA-SAMA SA PAGKAKAROON NG SAPAT NA SUPPLY NG KURYENTE
KAMAKAILAN lamang ay ginanap ang inagurasyon ng pinakabagong planta ng kuryente ng San Buenaventura Power Limited o SBPL. Ang nasabing planta ng kuryente ay coal-based at may kapasidad na 500 Megawatts (MW). Ang plantang ito ang kauna-unahan at kaisa-isang planta ng kuryente na gumagamit ng supercritical coal technology sa bansa. Ang inagurasyon ay dinaluhan at pinangunahan mismo ng ating presidenteng si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Taliwas sa paniniwala ng nakararami na marumi at nakasasama sa kapaligiran ang paggamit ng coal. Ang modernong teknolohiya na gagamitin ng bagong planta ng kuryente…
Read MorePAGHARAP SA PROBLEMA NG PRODUKTONG PLASTIK
Jerusalem, Israel – Paghahambingin ko ngayon ang pagharap ng Pilipinas at ng Israel sa mga problema nito na sanhi ng mga produktong plastik. Patuloy na tumataas ang paggamit ng mga taga-Israel ng mga produktong plastic na maituturing single-use plastic o SUP gaya ng mga plastik na kutsara’t tinidor, mga plato, baso at iba pang produktong gawa sa plastik na minsan mo lamang magagamit. Ngunit dalawa sa 16 na lungsod nito ay nagsusulong ng kanilang inisyatiba na solusyunan ang lumalaking problema ng Israel ukol sa mga produktong plastik. Ito ay ang…
Read MorePATUNGO SA PAGKAKAROON NG TAMANG POWER MIX PARA SA PILIPINAS
CAIRO, Egypt – Sa tuwing ako’y bumibisita sa ibang lugar, ako’y nagkakaroon ng maraming oras at panahon upang magnilay-nilay na kadalasan nagreresulta sa pagkakaroon ng mas malaking pagpapahalaga sa iba’t ibang aspeto ng aking buhay gaya ng aking propesyon sa industriya ng kuryente. Sa isang artikulong akda ni Mohammed El-Said sa Daily News Egypt, sa kabila ng panawagan sa buong mundo na bawasan ang paggamit ng coal, patuloy ang pamumuhunan ng Egypt sa mga proyektong coal-based. Sa katunayan, sa 2020 at 2030, tinatayang aabot sa 10,000 Terawatt-hour (TWh) ang kabuuang…
Read MorePILIPINAS, TAGUMPAY SA PANGANGASIWA NG AESIEAP CEO CONFERENCE 2019
Sa gitna ng matinding paghahanda ng ating bansa para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games, isang paghahanda pa ang isinagawa nito para naman sa kagaganap lamang na Association of Electricity Supply Industry of East Asia and the Western Pacific (AESIEAP) CEO Conference 2019. Hindi lamang sa larangan ng isports gumagawa ng magandang marka ang ating bansa kundi pati na rin sa industriya ng kuryente. Nagtapos ang nasabing pagpupulong nang may malinaw na direksyong patungo sa sustainability at pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya na siyang prayoridad nito. Ito ay ginanap noong…
Read MoreREPORMA SA BUWIS DAPAT TUTUKAN
Aprubado na ng Kongreso ang reporma sa buwis na inihain upang matustusan ang pondong kinakailangan para sa mga programang pang-imprastraktura at serbisyong panlipunan ng pamahalaan. Ang House Bill 4157 o Corporate Inome Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) ay naglalayong dahan-dahang pababain ang singil ng corporate income tax. Ang CITIRA ay ang bagong bersyon ng Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities (Trabaho) na mula sa 17th Congress. Ito ay nakilala noon bilang TRAIN 2. Maganda ang iminungkahi nitong si Buhay Hayaang Yumabong (Buhay) party-list Rep. Jose “Lito” Atienza.…
Read More