TAGUMPAY NG CSP, TAGUMPAY NG KONSYUMER

SA GANANG AKIN

Kung maaalala, nagkaroon ng kautusan ang Korte Suprema na nagsasabi na ang lahat ng power supply agreement (PSA) na isinumite pagkaraan ng ika-30 ng Hunyo 2015 ay kinakailangang sumailalim sa isang competitive selection process (CSP). Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga supplier ng kuryente na mag-bid para sa kontrata sa distribyutor ng kuryente gaya ng Meralco at upang masiguro na makukuha ng mga konsyumer ang kasunduan na makabubuti sa mga ito. Alinsunod sa kautusang ito, isinagawa sa unang pagkakataon ang CSP para sa 1,200 MW na kontrata na…

Read More

ISSUE NG GCTA DAPAT HUWAG BITAWAN

SA GANANG AKIN

Ang sambayanan ay nakatutok ngayon sa kontro­bersyal na isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at sa balita ukol sa napipintong paglabas ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Si Sanchez ay nakulong dahil sa pitong hatol ng reclusion perpetua dahil sa pagpaslang at panggagahasa sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pagpaslang sa kapwa UPLB student nito na si Allan Gomez noong 1993. Kaya’t hindi kataka-takang napakatindi ng mga negatibong reaksyon ang inani nito mula sa publiko lalo na sa social media. Kabi-kabila ang balita ukol dito at lahat…

Read More

MAGING BAHAGI NG SOLUSYON, HUWAG NG PROBLEMA

SA GANANG AKIN

Ang pagdaan ng bagyo sa ating bansa ay hindi na naiiba para sa ating mga Filipino. Taun-taon ay umaabot sa karaniwang bilang na 20 na bagyo ang tumatama sa atin. Ito ay dahil sa lokasyon natin sa Pacific region. Nito lamang nakaraan ay tumama sa Gitnang Luzon ang isang bagyo na pinangalanang Typhoon Jenny. Ito na ang ikasampung bagyong tumama sa Pilipinas na nagdala ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa silangang bahagi ng Luzon. Upang mas makapaghanda ang mga tao sa Metro Manila, itinaas ang signal ng antas ng…

Read More

SANCHEZ, KARAPAT-DAPAT BA SA PANGALAWANG PAGKAKATAON?

SA GANANG AKIN

Marami ang nagulat at nagalit sa balitang may posibilidad na maagang makalalaya si former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. Noong 1995 ay nahatulan ng pitong beses na habambuhay na pagkakabilanggo si Sanchez dahil sa pagpatay kay Allan Gomez at sa panggagahasa’t pagpatay kay Eileen Sarmenta noong 1993. Ang dalawang biktima ay kapwa mag-aaral ng University of the Philippines Los Baños. Ang posibilidad ng maagang paglaya ni Sanchez ay nagmula sa batas na Republic Act (RA) 10592 na naisabatas noong ika-13 ng Oktubre, 2013. Ang batas na ito ay nagbibigay ng…

Read More

PROBLEMA SA TRAPIKO, HINDI DAPAT ISISI SA MMDA

SA GANANG AKIN

Dismayado ang maraming motorista at biyahero noong nakaraang linggo dahil sa isang malalang “carmageddon” na nangyari pa-Norte sa EDSA. Inabot ng humigit-kumulang apat na oras ang biyahe mula Quezon City papuntang Lungsod ng Makati dahil sa masikip na trapiko. Nakadagdag pa ang matinding pag-ulan na dala ng isang low pressure area at ang pagkalito ng mga biyahero ukol sa TRO na inilabas ng Korte Suprema patungkol sa implementas­yon ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA. Malinaw na nawawalan na ng pag-asa ang mga motorista sa Metro Manila at marahil…

Read More

PANGULONG DUTERTE TIYAK ANG TAGUMPAY LABAN SA KORAPSYON

SA GANANG AKIN

Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte kung gaano siya kadesidido sa pagpuksa ng korapsyon at ng burukrasya sa bansa. Pinatunayan niya ito nang tanggalin niya sa panunungkulan at sa posisyon ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang empleyado rito nang masangkot sila sa isyu ng korapsyon sa ahensya. Umaasa si Pangulong Duterte na maiibsan kahit paano ang korapsyon sa nasabing ahensya bilang resulta ng kanyang ginawa. Marahil ay maraming hawak na impormasyon ang pa­ngulo mula sa mga asset nito na maraming nalalaman ukol sa mga…

Read More

ISYU NG GAMOT AT BODEGA, DAPAT AKSYUNAN NG DOH

SA GANANG AKIN

Matindi ang kasaluku­yang kinakaharap na isyu ng Department of Health (DOH) dahil sa mga nakaimbak na gamot na hindi nila naipamahagi at tila aabutan na ng expiration date ng mga ito. Tinatayang umabot na sa kabuuang halaga na P367 milyon ang halaga ng mga gamot na ito. Sa paliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III, tinukoy n’ya ang mabagal na proseso ng distribusyon ng gamot at ang kakulangan ng mga es­pesyal na klase ng bodega para sa mga gamot bilang dahilan kung bakit halos abutan na ng expiration date ang…

Read More

LIWANAG SA MUNTING PARAISO NG CAGBALETE

SA GANANG AKIN

Isang munting paraiso na naman ang nabigyan ng liwanag ng Meralco. Nauna nang nakapagbigay ng serbisyo ng kuryente ang Meralco sa Isla Verde sa probinsya ng Batangas gamit ang pinagsanib na teknolohiya ng solar PV at battery energy storage. Nitong nakaraang linggo naman ay kinilala at pinasinayaan ang itinayong pasilidad ng kuryente sa isla ng Cagbalete. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon at ng Meralco, naging matagumpay ang pagtatayo ng pasilidad ng kuryente na tinatayang makapagbibigay ng liwanag sa isla. Ang programa ng pasinaya ay pinangunahan ng mga…

Read More

MGA PANGAKO SA IKAAPAT NA SONA NI PANGULONG DUTERTE, INAABANGAN

Sa Ganang Akin

Ngayong araw nakatakdang ganapin ang ikaapat na SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tiyak na nakaabang ang buong bansa dahil ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang ikaapat na SONA raw ng pangulo ay tungkol sa mga bagong pangako nito at sa kanyang mga nagawa sa loob ng kanyang unang tatlong taon ng panunungkulan. Aasahan ding ipahahayag niya kung ano pa ang mga maaari nating asahan mula sa kanyang administrasyon sa natitirang tatlong taon ng kanyang pamumuno. Naitala ang pinakamataas na rating ng pangulo mula…

Read More