Parang isang malaking oo na dapat tawaging “dirty” station ang anumang police stations kapag ito ay nagmukhang tapunan lamang ng mga basura. Isang “dirty” station kasi ang nadatnan kamakalawa ni NCRPO PMajGen Guillermo Eleazar nang gumawa ito ng isang surprise inspection sa isang Police Community Precinct 1. Ang kinahinatnan ng surprise visit ni Sir Eleazar ay sorpresa rin sa lahat. Nasibak lang naman ang kumander dito. Nakakahiyang bumulaga rin sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police na may mga upos ng sigarilyo, balat ng candies, mga plastic bottle…
Read MoreTag: Sa Totoo Lang
MAGPASENSYAHAN MUNA
Umaaray na nang husto ang mga tao sa ilang mga bayan sa Rizal dahil sa pipe laying na isinasagawa rito ng isang kompanya para umano rin sa ikagaganda ng kanilang serbisyo sa kanilang mga consumer. Sa tingin natin ay tama lamang na magkaroon ng pipe laying kung kinakailangan lalo na ang makikinabang din nito ay mga libu-libong mga tao sa lugar o mahigit sa 150,000 kabahayan at hindi na maaapektuhan ng kakulangan ng suplay ng tubig. Pero natural din na hindi maiiwasan na may mga magrereklamo rito kaya tama ring…
Read MoreMAY PANAHON PA
Hindi pa man opisyal na tag-ulan ngayon ay may panahon pa rin para paghandaan ang ulan at pagbaha na dulot nito. Panahon din ito para samantalahin ng mga bagong halal na opisyal sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa para magsilbi sa bayan. Kabilang pa rito ang mga 12 bagong upong mga senador. Ang malaking isyu natin sa tuwing tag-ulan ay sakunang idinudulot nito sa atin. Problemang malaki ang pagbaha na kung hindi masosolusyunan ay mga sakit din ang naidudulot. Syempre pa ay dahilan din ito ng pagkakaroon ng…
Read MorePAGBABAGONG-BIHIS NA INAASAM-ASAM
Nakakatuwang marinig na sa pagkapanalo ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong alkalde ng Maynila ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Manileño. Hindi kasi maitatanggi ang mga hindi kanais-nais na nararanasan ng mga lokal sa naturang lungsod na ang iba sa pangunahin nilang problema ay ang mga basura, lagay ng trapiko at pagbaha. Sa isang panayam sa bagong halal na alkalde ay tinatarget nito na sasailalim sa pagiging “bagong-bihis” ang Maynila. Kasama sa pagbabagong ito ay ang buhayin ang Arroceros Park. Aniya ay sisikapin niya at ng kanyang pamunuan na…
Read MoreWALANG DELICADEZA
Mukhang walang maipakitang takot, respeto, hiya o kahit delicadeza itong bansang Canada sa Pilipinas. Nagbigay na ng ultimatum noon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa tone-toneladang mga basurang ipinadala ng Canada sa bansa. Nagbaba ng May 15 deadline ang pangulo na kung hindi nila kukunin ang santambak na mga basurang ito ay magdedeklara ng giyera ang ating presidente. Tapos na ang halalan at ang basurang iyan ay nasa poder pa rin ng Pilipinas. Tuloy, pinababalik na lamang sa bansa ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ating…
Read MoreMGA DOKTOR NA ILEGAL
Dagsa ang pagdating ng mga banyagang doktor sa Pilipinas ngayon na inirereklamo at nakarating sa kaalaman ni Senador Richard Gordon. Kung ang talagang intensyon ay makatulong sa mga maysakit, dapat ay maging malinis ang kanilang serbisyo dahil naturingang mga doktor pa naman sila at dapat nga ay mas maayos ang galaw nila dahil wala sila sa kanilang mga sariling bansa. Ang isyu kasi ay dahil sa marami ang nakikitang Nepalese at Pakistani sa isang lokal na lugar ay kuwestiyonable ang mga ito kung may permiso ba silang legal na manatili…
Read MoreTB DAPAT SOLUSYUNAN NG PAMAHALAAN
Nakakagulat at nakakalungkot ang balitang pasok ang Pilipinas sa Top 8 ng mga bansang laganap ang sakit na tuberculosis o TB sa buong mundo. Ito ay nasa talaan ng World Health Organization na nakita sa taong 2017 – nahahanay tayo sa mahihirap na mga bansa ring tulad ng South Africa. Sa pag-aaral, sa 100,000 katao ay may 500 sa mga ito ang may tuberculosis. At sa pagtataya lamang, sa 500 na ito ay kalahati lamang sa mga ito ang nagagamot. Eh ano ba ang populasyon ng Pilipinas ngayon? Ibig sabihin…
Read MoreNASA BALAG TALAGA TAYO NG ALANGANIN
Nasa balag ng alanganin ang ating pamahalaan sa isyung nauungkat muli ngayon. Ito ang isyung kinapapalooban ng bansang China at Pilipinas at kung mayroon mang dapat maging maingat ay tayo iyon. May protesta kasi tayo sa China sa panghihimasok nito sa West Philippine Sea pero tila ayaw nila itong pagtuunan ng pansin. Namamaliit lamang tayo. Kamakailan kasi ay dumaing ang ating mga mangingis-dang Filipino sa nasaksihan nilang mga sirang bahura o corals sa Scarborough Shoal na siyang sakop ng exclusive economic zone ng ating bansa. Dahil dito, nakikitang isang paraan…
Read MoreMAGING MALINIS SA KAPALIGIRAN SA GITNA NG BAKASYON
KALIWA’T kanan ngayon ang mga biyahero at mga biyahera. Laking pasasalamat din ng marami dahil sa Semana Santa ay marami ang makakapagbakasyon at magkakaroon ng bonding na tinatawag para sa taong malalapit sa atin. Ngayong panahon ng bakasyon at kahit pa matapos ang Semana Santa ay sana hindi makalimot ang marami sa atin sa kanilang mga responsibilidad lalo na para sa Inang Kalikasan. Sigurado tayo na sa ganitong panahon ay mas marami ang magpupunta sa dagat o saan mang uri ng pwedeng paliguan para maging masaya kasama ang pamilya, mga…
Read More