SARANGGANI NIYANIG NG 5.4 QUAKE

(NI ABBY MENDOZA) TUMAMA ang isang magnitude 5.4 quake kanina sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks dala ng naganap na lindol. Sa datos ng Phivolcs alas 3:00 ng hapon naramdaman ang pagyanig na ang sentro ay sa bayan ng Saranggani. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24km. Naramdaman din ang Intensity 1 sa Alabel, Saranggani at sa General Santos City. Walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol.     306

Read More

SARANGGANI NILINDOL MULI

saranggani1

(NI ABBY MENDOZA) ISANG 5.1 magnitude earthquake ang tumama kahapon sa bayan ng Saranggani sa Davao Occidental. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang inaasahang aftershocks bagamat may kalakasan ang pagyanig. Sa monitoring ng ahensya  alas 9:00 ng umaga nang maramdaman ang lindol na na may lalim na 175km. Sinabi ng Phivolcs na walang pinsalang naitala sa naganap na lindol. Matatandaan na noong nakaraang Enero ay isang 5.9 quake din ang naitala sa nasabing bayan. 116

Read More

UPAK NI KAREN ‘DI ININDA NI PACQUIAO

karen200

(NI NOEL ABUEL) PINAKAKALMA ni Senador Manny Pacquiao ang mga tagasuporta nito kasunod na nangyaring panayam dito ng broadcaster na si Karen Davila na kumukuwestiyon sa pag-aaral nito. Sa inilabas na kalatas ng Pambansang Kamao, ayaw na nitong patulan ang mga naglabasang reaksyon sa social media ng mga tagasuporta nito na sinasabing hindi katanggap-tanggap ang pambabastos umano ng news anchor na si Davila sa senador. “For the record, I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng broadcasting at trabaho po niya na…

Read More

PACMAN NAGPAULAN NG BIYAYA SA 40th BDAY

manny

UMULAN ng biyaya sa mga may 4,000 katao sa Saranggani nang mamudmod si boxing icon at incumbent Senator Manny Pacquiao sa pagdiriwang ng ika-40 kaarawan. Namahagi ang senador ng groceries sa kanyang nasasakupan. Umaga pa lang ay mahaba na ang pila sa labas ng Pacman Beach Resort sa Tinoto, Saranggani at nang buksan ang gate ay kanya-kanyang takbo papasok ang libong residente ng Saranggani upang tanggapin ang regalo ni Pacquiao. Sa interview, sinabi ng WBA welterweight champ na masaya sya at nakakatulong sa mga taong mahihirap sa kanyang lugar at…

Read More