REPORMA SA PARTY-LIST SYSTEM SUPORTADO SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ng ilang senador ang isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara na pagbabago o reporma sa party-list system sa bansa bunsod ng hindi na ito nagagamit sa tama. Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na panahon nang baguhin ang itinatakda ng party-list system dahil nasasalaula na umano ito ng mayayaman at maimpluwensya. “I am all for genuine reform of the party list system and our political party system in general. It is about time that we debate on this and come up with a meaningful and…

Read More

SENADO KIKILOS VS NEGROS KILLINGS 

rissa45

(NI NOEL ABUEL) NAIS paimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros sa Senate committees on public order and dangerous drugs and justice ang nangyayaring krimen sa lalawigan ng Negros Oriental. Sa inihaing Senate Bill no. 47 ni Hontiveros, nais nitong malaman ang tunay na ugat ng tuluy-tuloy na patayan sa nasabing probinsya at sa huli ay mabigyan ng hustisya ang mga napatay na biktima kabilang ang apat na pulis. Iginiit ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap na maging ang mga bata gaya ng nasawing si Marjon Ocampo, 1-taong gulang na kabilang sa napatay…

Read More

ESTUDYANTE EXEMPTED SA TERMINAL FEE, IKINATUWA SA SENADO

airport55

(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK ng ilang senador ang desisyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng exemptions ang mga estudyante sa pagbabayad ng terminal fee sa 42 paliparan sa buong bansa. Ayon kay Senador Grace Poe, malaking tulong sa mga mag-aaral ang desisyon ng CAAP maging sa kanilang mga magulang na makagagaan para sa budget ng mga ito. “Makakaginhawa ito sa mga biyaherong estudyante. Para sa isang mag-aaral, malaking bagay ang matitipid na P100-P200. Makaeengganyo rin ito sa kanila para magbiyahe at bumisita sa iba’t ibang…

Read More

SOTTO KUMPIYANSA SA POSISYON

tito sotto

(NI NOEL ABUEL) KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na mananatili pa rin itong pinuno ng Senado hanggang sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22. Ayon kay Sotto, base sa nakarating na impormasyon dito ay marami pa ring kapwa senador nito ang nagtitiwala sa pamumuno nito sa Senado. “Mukhang ganu’n ang gusto ng majority ng mga kasama ko, ako pa rin ang maIhalal,” ani Sotto sa panayam sa radyo. Idinagdag pa nito na halos kumpleto na ang mga komite sa Senado na hahawakan ng mga senador kung saan…

Read More

REGULAR SAHOD NG BRGY OFFICIALS ISINUSULONG

barangay33

(NI NOEL ABUEL) BINUHAY muli sa Senado ang panukalang maglalaan ng regular na sahod at mas malaking benepisyo para sa mga barangay officials. Sinabi  ni Senador Sonny Angara, na ang mga opisyal ng barangay ang itinuturing na first responders sa panahon ng mga problema sa komunidad kung kaya’t dapat lang na pagkalooban ng benepisyo. “Tuwing may problema, ang barangay ang unang tinatakbuhan ng tao para humingi ng tulong. Sila ang unang rumeresponde sa mga krisis pero sila ang huli lagi pagdating sa mga benepisyo,” sabi pa ni Angara. Batay sa Senate…

Read More

P12-K PENSIYON NG SENIOR CITIZENS, UMENTO SA GURO ISUSULONG

senior16

(NI NOEL ABUEL) MULING susubukang amyendahan ang Expanded Senior Citizen Act na naglalayong madagdagan ang suporta sa mga senior citizens na kulang sa suportang pinansyal. Ayon kay Senador Sonny Angara, napapanahon na upang amyendahan ang nasabing batas sa kadahilanang nagbabago ang panahon at pangangailangan ng mga matatandang Filipino. Nabatid na mula sa dating P6,000, nais itaas ng senador sa P12,000 ang social pension ng mga senior citizens na dumadanas ng kahirapan. Samantala, nais din nitong mai-upgrade ang Salary Grade ng mga public school teachers mula Salary Grade 11 patungong Salary…

Read More

FIRING SQUAD SA DRUG TRAFFICKERS ISUSULONG

bato12

(NI JG TUMBADO) DESIDIDO si Senator elect Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na isulong ang death penalty bill sa Senado. Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na hindi nagbabago ang kanyang posisyon na patawan ng parusang kamatayan ang mga big time drug trafficker sa bansa. Paliwanag ng dating heneral ng PNP, nais nya ipa-firing squad sa plaza ang mga big time drug trafficker para hindi na pamarisan pa . Gusto niya rin umano na i-cover ito ng live ng media para mapanood at magsilbing babala sa mga…

Read More

SENADO MANANATILING INDEPENDENT; 18th CONGRESS ‘INTERESTING’

senate22

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na mananatiling independent ang Senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon sa senador, interesting ang kabuuan ng Senado sa susunod na Kongreso kung saan asahan na magiging masaya at mahalaga ang talakayan ng mga senador. “Interesting. Kasi medyo iba ang mix ng composition ng Senado at ang isa lang na maaasahan, masisigurado naming na ang Senado ay mananatiling independent,” ani Lacson. Malaki umano ang pagkakaiba ng Senado sa Kamara base sa matagal nang tradisyon na nangyayari. “Time-honored tradition ‘yan, unlike the HOR…

Read More

ISLAMIC BANKS SUPORTADO SA SENADO

bangko sentral12

(NI NOEL ABUEL) IPINASA sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas na nagpapalawak sa Islamic banking system sa buong bansa na babantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Monetary Board (MB). Sa pamamagitan ng botong 20 sinang-ayunan ng mga senador ang House Bill No. 8281 o ang “An Act Providing for the Regulation and Organization of Islamic Banks”. Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuksan ang pintuan para sa mga foreign Islamic banks para mag-operate sa Pilipinas. “Under this proposed measure, we will provide Islamic banking and finance…

Read More