(NI NOEL ABUEL) WALANG aasahan na matutuloy ang implementasyon ng mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) para sa mga estudyanteng papasok sa Grade 11 at Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong senior high school. Ito ay matapos na mabigong maihabol ng Senado sa pagtatapos ng 17th Congress ang nasabing panukala. Sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kinulang ang Senado ng sapat na oras para dumaan sa deliberasyon ang mga panukalang batas na kabilang sa tinukoy na certify ni Pangulong Rodrigo Duterte. “I know we are in receipt of…
Read MoreTag: senado
SENADO MATAAS ANG RATING; SOTTO MANANATILING SP
(NI NOEL ABUEL) MASAYA ang halos lahat ng senador sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III kung kaya’t mananatili ito sa kanyang posisyon. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na nang maupo si Sotto bilang Senate president ay tumaas ang rating ng Senado at nagkasundo umano ang maraming senador na masaya sa liderato nito. “Tumaas nga ang antas ng approval at trust eh, rating ng Senado, 74%, 72% sa kanya 74% percent sa institution. So wala kaming reason para palitan ang liderato,” sabi pa…
Read MoreDEATH PENALTY ‘DI PA NAPAPANAHON — PNP
(NI JG TUMBADO) NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon para ipatupad ang death penalty. Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasabay ng paliwanag na ang posisyon ng PNP ay dapat munang masiguro na may mga malinaw na patakaran para hindi ma-abuso ang death penalty. Dapat aniyang mapag-aralan munang mabuti kung magiging epektibo ang naturang kaparusahan sa kampanya kontra kriminalidad. Gayunman, sinabi ni Banac na handa rin ang PNP na suportahan ito, lalo na para sa mga kasong may kinalaman sa…
Read MorePAGTUTOK SA PRIORITY BILLS TINIYAK NI DU30
(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na mas matututukan ngayon ng mga senador ang pagtalakay sa mga nakabimbing panukalang batas na isinusulong ng administrasyong Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang pumasok sa top 12 ang mayorya ng mga senatoriables na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Panelo, kung dati ay laging gahol sa panahon ang mga senador para talakayin ang mga priority bill ng administrasyon, ngayon ay malaki na ang tsansa na agad itong mabibigyan pansin ng mga mambabatas. Giit pa ni Panelo, inilatag na…
Read MoreMINORITY BLOC SA SENADO DAPAT MANATILI – PALASYO
(NI BETH JULIAN) UPANG manatili ang pagkakaroon ng check and balance, hindi pinaplano ng Malacanang na hikayatin ang oposisyon sa Senado na umanib sa majority bloc. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas makabubuting manatili ang oposisyon sa kabilang bakod para maging mas buhay ang demokrasya. “Kung mananatili ang set-up ng Senado na mayroong oposisyon mas mainam para may check and balance ang lahat ng aksiyon,” wika ni Panelo. Nananatiling miyembro ng minority bloc sa kasalukuyan sina Senators Riza Hontiveros, Leila de Lima, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Ralph Recto.…
Read MoreCATRIONA GRAY PINARANGALAN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) MASAYANG tinanggap ni Miss Universe Catriona Gray ang pagkilala na ibinigay ng mga senador nang dumalaw ito sa Senado Martes ng hapon. Pinangunahan ni Senate President Vicente C. Sotto III ang pagtanggap kay Gray na masayang sinalubong ng iba pang miyembro ng Senado kabilang sina Senador Gregorio Honasan at Nancy Binay. Ipinagmalaki ni Sotto ang pagkakakilala sa mga Filipino sa larangan ng beauty pageant na naghakot ng maraming parangal. It is a common knowledge in the world that the Philippines has held an exemplary…
Read MoreCATRIONA PAPUPURIHAN SA SENADO
(NI KC GUERRERO) SA resolusyon na isumite sa Senado noong Lunes, Jan. 14, pinuri si Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray sa pagbigay ng “great honor, glory and recognition” sa bansang Pilipinas at sa mga mamamayang Filipino. Ang resolusyon ay inendorso sa sesyon noong nagpatuloy ang sesyon pagkatapos ng mahabang bakasyon para sa Kapaskuhan at Bagong Taon. Pinuri ni Senate President Vicente Sotto III, sa Senate Resolution 975, ang pagkapanalo ni Gray at dinaig ang 93 pang mga kandidata sa timpalak kagandahan na ginanap noong nakaraang December 17, 2018…
Read More6 REELECTIONIST LIYAMADO
(NI NOEL ABUEL) PASOK ang anim na reelectionist senators sa top 12 ng pinakahuling senatorial survey ng Social Weather Station (SWS). Sa nasabing survey na isinagawa noong nakalipas na Disyembre 16-19, nanguna si Senador Cynthia Villar na nakakuha ng 62% na puntos at sinundan ni Senador Grace Poe na nakakuha ng 60%. Nagtabla naman sa rank 3-5 sina Rep. Pia Cayetano, Senador Sonny Angara at Senador Nancy Binay na may tig-40 porsiyento. Bilang reaksyon, sinabi ni Angara na itinuturing nitong ang resulta ng survey bilang inspirasyon sa pagsusulong ng pangangailangan…
Read More