SENIOR CITIZENS BIBIGYANG PUWANG SA SANGGUNIAN

seniors44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Lito Lapid na magkaroon ng kinatawan ang mga senior citizen sa mga lokal na sanggunian upang mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang sektor. Sa kanyang Senate Bill 1169, isinusulong ni Lapid na amyendahan ang Local Government Code of 1991 upang magkaroon ng senior citizen representative sa bawat barangay sanggunian, municipal o city sanggunian at provincial sanggunian. Sa pagpapaliwanag sa panukala, sinabi ni Lapid na nagiging ageing population na ang Pilipinas kung saan batay sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sa…

Read More

P1K MONTHLY AYUDA SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN IKINAKASA

seniors44

(NI NOEL ABUEL) BIBIGYAN ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa buong bansa sa sandaling maipasa ang panukalang inihain sa Senado. Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat na pagkalooban ang lahat ng nakatatanda sa bansa ng dagdag na ayuda para magamit na dagdag panggastos ng mga ito. Nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill 259, nais nitong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, sa dalawang pagkakaton. Inihalimbawa pa ng senador na dodoblehin ang buwanang pensyon mula P500 ay gagawing P1,000 at…

Read More

IPINANUKALA: EDAD NG SENIOR CITIZENS IBABABA SA 56-ANYOS 

senior16

(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita sa mga nagkakaedad. Isinusulong sa Senado ang panukalang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56-anyos mula sa kasalukuyang 60-anyos. Inihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla ang tatlong batas para sa senior citizens kabilang ang “Centenarians Act of 2019”, ang pagpapababa ng edad ng senior citizens sa 56 mula 60; at ang pagpapatayo ng Elderly Care and Nursing Complex sa iba’t ibang lugar sa bansa upang may pasilidad na tutugon sa pangangalaga sa mga senior citizens. Sa ilalim ng “Centenarians Act of 2019,” hahatiin sa…

Read More

P12-K PENSIYON NG SENIOR CITIZENS, UMENTO SA GURO ISUSULONG

senior16

(NI NOEL ABUEL) MULING susubukang amyendahan ang Expanded Senior Citizen Act na naglalayong madagdagan ang suporta sa mga senior citizens na kulang sa suportang pinansyal. Ayon kay Senador Sonny Angara, napapanahon na upang amyendahan ang nasabing batas sa kadahilanang nagbabago ang panahon at pangangailangan ng mga matatandang Filipino. Nabatid na mula sa dating P6,000, nais itaas ng senador sa P12,000 ang social pension ng mga senior citizens na dumadanas ng kahirapan. Samantala, nais din nitong mai-upgrade ang Salary Grade ng mga public school teachers mula Salary Grade 11 patungong Salary…

Read More

PENSIYON TUWING 6-BUWAN SA SENIOR CITIZEN PINALAGAN

senior16

(NI BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuwing ika-6 na buwan ibibigay ang pensiyon ng mga senior citizen. Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysasy, kailangan ng mga senior citizen ang pera para sa kanilang personal na pangangailangan kaya hindi dapat iniipon bago ibigay ng kada ika-6 buwan. “Malaking tulong po ang buwanang pensiyon na 500 pesos sa ating pinakamahihirap na nakatatanda na walang tinatamasang anumang ayuda mula sa kanilang mga pamilya,” ani Magsaysay. Ginawa ng…

Read More

SPECIAL CONSULTANCY JOB PARA SA SENIOR CITIZENS

congress1

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON  ng raket ang mga senior citizens na matatalas pa ang isip kapag sinunod ng mga ahensya ng gobyerno ang mungkahi ng isang mambabatas na gawing ‘special consultant” ang mga ito. Ayon kay Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr., maraming senior citizens ang matatalas pa ang memorya kaya maaaring maging o gawing  local historian ang mga ito ng Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG) at maging ang itatag na National Commission of Senior Citizens (NCSC). “Semi-retirement as part-time local history and…

Read More

P520-M INILAAN NG KONGRESO SA SENIOR CITIZENS

senior16

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T hindi pa napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglaan na ang Kongreso ng P520 milyon  para sa itatatag na National Commission on Senior Citizen na tututok sa lahat ng pangangailangan ng mga matatanda. Ito ang kinumpirma ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Dator dahil kasama sa nasabing halaga sa 2019 national budget na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Dahil dito, hiniling ni Datol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simulan na ang paghahanda para sa itatatag na ahensya ngayon pa lamang upang agad…

Read More

P25K CASH GIFT SA 85-ANYOS ‘DI TINUTULAN SA KAMARA

old

(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN sa committee level sa Maabang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang simulan ang cash gift sa mga 85-anyos na mga Filipino at magpapatuloy ito hanggang sa makaabot ang mga ito sa 100 anyos. Walang tumutol nang isalang sa House committee on senior citizens ang substitute bill na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 10868 o mas kilala sa Centenarians Act of 2016 na naglalayong hindi lang ang mga 100 anyos ang makakatanggap ng cash gift. Base sa inaprubahang panukala, makakatanggap ng P25,000 na cash gift ng mga Filipino pagtuntong ng…

Read More