(NI TERESA TAVARES) PINAIIMBESTIGAHAN ng Sandiganbayan ang ulat na ilang lokal na politiko sa Surigao del Sur ang nagbebenta ng mga sequestered na lupain ng gobyerno. Sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division, inatasan ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na alamin ang ulat na pinaghahatian at ibinebenta ng ilang politiko ang bahagi ng lupain na binawi ng gobyerno dahil sa pagiging ill-gotten wealth ng mga Marcos. Ang naturang property ay pag-aari ng Lianga Bay Logging Company, Incorporated (LBLCI), ang defendant sa isa sa maraming nakabinbin na kasong sibil sa Sandiganbayan na may…
Read More