EX-MAYOR SA CEBU GUILTY SA MALVERSATION

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) HINATULANG guilty sa kasong malversation ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Daanbantayan Cebu matapos magbigay ito ng financial assistance sa isang organisasyon na hindi dumaan sa Sangguniang Bayan noong 2007. Sa 30-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 7th Divisiom, ipinataw ang anim hanggang walong taon kay Daanbantayan Cebu Mayor Maria Luisa Loot. Pinatawan din ng dalawa hanggang apat  taong pagkakakulong ang negosyante at dating Councilor na si  Samuel Moralde. Bukod sa parusang pagkakakulong ay ipinababalik din sa dalawa ang pera  na may interes na 6% kada buwan at diskuwalipikado…

Read More

MAMASAPANO MASSACRE: KASO VS NOYNOY BINAWI

noynoy22

(NI JEDI PIA REYES) BINAWI  ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong isinampa nito laban kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident. Sa dalawang pahinang Motion to Withdraw Information, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ikonsidera ang pagbawi nito ng impormasyon patungkol sa kaso sa dating punong ehekutibo. “Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the People of the Philippines be allowed to withdraw the Information against accused Benigno Simeon C. Aquino III and thereafter the same…

Read More

EX-TOURISM SEC DURANO PINAYAGANG MAG-ABROAD

ace12

(NI JEDI PIA REYES) PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan 7th division ang mosyon ni dating Department of Tourism secretary Ace Durano na maka-biyahe patungong Australia sa susunod na buwan. Sa isang resolusyon, kasabay ng pagpayag ng korte na makalabas ng bansa si Durano ay kailangan nitong maglagak ng travel bond na nagkahalaga ng P60,000. Batay sa motion to travel ni Durano, ang kanyang biyahe sa Australia ay mula sa Hunyo 2 hanggang 15, 2019. Kung mabigo naman si Durano na makabalik ng Pilipinas matapos ang biyahe nito sa Australia, tuluy-tuloy pa rin…

Read More

EX-BOC OFFICIAL PINAGMULTA SA ITINAGONG SALN

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS mag-plead ng guilty at pag amin sa kanyang  kasalanan,pinatawan ng P15,000 na multa ng Sandiganbayan ang dating deputy commissioner ng Bureau of Customs dahil sa hindi pagdedeklara ng lahat ng yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth. Si Prudencio Reyes Jr. ay hinatulang guilty  sa tatlong kaso ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Sa datos ng kaso nabatid na pumasok sa plea bargaining agreement si Reyes kaya iniurong ng prosekusyon ang kasong falsification laban dito. Lumilitaw na…

Read More

EX-PAGCOR CHIEF GENUINO LUSOT SA PERJURY

sandigan12

(NI JEDI PIA REYES) PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair Efraim Genuino sa kasong perjury na may kinalaman sa paghahain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). Batay sa desisyon ng anti-graft court, hindi napatunayan ng prosekusyon na may sapat na batayan upang maidiin ang akusado sa kaso. May kaugnayan ang asunto nang hindi umano isinama ni Genuino ang kanyang mga ari-arian sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa; Los Baños at Sta Rosa, Laguna, mula noong 2002 hanggang 2005. Apat…

Read More

CAGAYAN MAYOR, VICE MAYOR, SABIT SA P4.9-M GRAFT

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa pagbili ng mga P4.9 milyon abono na hindi idinaan sa public bidding noong 2004, kinasuhan ng Sandiganbayan ang alkalde, bise alkalde  at 9 na iba pang opisyal ng Tuao, Cagayan. Ayon sa Sandiganbayan nagkaroon ng sabwatan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr. Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas, administrative assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, accounting clerk Anabel Turingan, agricultural officer Teresita Espinosa, clerk Juliana Filipina Padilla, at agricultural technologists Leticia Acob at Petra delos Santos, para sa pagbili ng…

Read More

10-TAON KULONG SA EX-QC OFFICIALS SA 2001 MANOR HOTEL FIRE

sandigan

(NI JEDI PIA REYES) HINATULAN ng Sandiganbayan 7th Division na guilty sa tatlong bilang ng kasong katiwalian ang ilang mga dating opisyal ng Quezon City gayundin ng Manor Hotel kaugnay sa naganap na sunog nuong 2001. Sinintensyahan ng pagkakapiit ng anim hanggang 10 taon bawat kaso sina dating City Engineer Alfredo Macapugay at electrical division chief Romeo Montallana ng Quezon City Engineering Office. Natukoy din na guilty beyond reasonable doubt sina Engineer Romualdo Santos, inspector Gerardo Villasenor, inspector Rodel Mesa; ang mga may-ari at incorporator ng Manor Hotel na sina…

Read More

EX- MAGUINDANAO GOV AMPATUAN GUILTY SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA) NAPATUNAYANG guilty ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa kasong graft, malversation of public funds at falsification of public documents kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga construction materials para sa paggawa ng mga eskuwelahan na hindi naman naitayo noong 2008 at 2009. Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division ay hinatulan ng  walo hanggang 12 taon pagkakakulong si Ampatuan sa kasong graft, 6 na buwan hanggang 8 taon sa bawat isa sa 63 kaso ng falsification of public documents habambuhay na pagkakakulong sa kasong…

Read More

ILOILO MAYOR IPINASUSUSPINDE NG SANDIGAN SA GRAFT

sandigan

SUSPENSIYON ng 90-araw ang ibinigay ng Sandiganbayan sa alkalde at mga opisyal ng Calinog, Iloilo dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa million-peso fertilizer fund scam kung saan nilabag umano ng mga ito ang Section 13 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ang kaso ay nag-ugat sa P728-milyong inilabas ng Department of Agriculture (DA) para sa farm inputs noong 2004 sa ilalim pa ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kanyang panig, sinabi  ni Mayor Alex Centena na nagkaroon na umano ng desisyon noon ang…

Read More