MALAKING NEGOSYO ANG SIGARILYO, VAPE JUICE AT E-CIGARETTES

SIDEBAR

Kung nagkakaroon man ngayon ng mga debate hinggil sa pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit at importasyon ng vape gadgets at juices at maging ang electronic cigarettes (e-cigarette), ito ay dahil sa malaking negosyo ang mga nabanggit na bisyo ng paninigarilyo. Imported ang vape gadgets pati na ang juices pero kung tatanungin mo ang mga operator ng vape shops, sa flavored juices sila kumikita nang malaki dahil hindi kasama ito sa mga pinapatawan ng buwis ng Bureau of Customs. Vape gadgets lang ang may tax kaya medyo may kamahalan…

Read More

BAWAL NA ANG DELIKADONG VAPE

SIDEBAR

Taong 2017 nang ipag-bawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng isang executive order at sumunod lahat ng esta-blisimiyento sa buong bansa at naglagay ng mga no-smoking and smoking area. Mayor pa lamang ng Davao City si Pangulong Duterte nang matagumpay niyang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod at ang mga nahuhuli ay ginagawaran ng karampatang parusa ayon sa nilalaman ng City Ordinance. Ngayon naman ay vaping in public ang ipinagbawal ng pangulo na dapat sana ay napabilang na rin sa inilabas na…

Read More

BANDALISMO SA MAYNILA

SIDEBAR

OPERASYON-PINTA o O-P ang terminong ginagamit ng mga aktibista sa pagpipintura ng mga islogan sa mga pader na gamit ang kulay pulang pintura bilang simbolo ng militansiya ng mga kabataan na nagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka. Operasyon-Dikit naman o O-D ang tawag ng mga aktibista sa pagdidikit ng mga poster na kadalasan ay mag islogan ding isinulat sa pinturang pula sa mga lumang dyaryo at idinidikit sa mga poste at pader gamit ang nilutong gawgaw at ispongha. Bahagi ng gawain ng mga aktibista ang O-P at O-D pero kahit pa sabihin nilang…

Read More

WALANG DISIPLINA ANG STREET VENDORS SA MAYNILA

SIDEBAR

Kung hindi pa nag-surprise inspection si Manila Mayor Isko Moreno sa Binondo noong Lunes ng madaling araw, hindi nito madidiskubre kung gaano karaming basura ang iniiwan ng mga street vendor sa Ilaya Street, malapit sa panulukan ng Recto Avenue. Napanood natin ang Facebook live ni Mayor Isko at bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya sa nakitang mga pinagtabasan ng gulay at mga plastic na pambalot na nagkalat sa Ilaya Street kung saan pinayagan ang night market. Makikita pa ang ilang vendor na nagliligpit ng kanilang mga paninda pero walang pakialam…

Read More

KUNG BAKIT MAHALAGA ANG 2ND CIIE

SIDEBAR

Nobyembre 2018 ­unang isinagawa ang China International Import Exhibition (CIIE) sa lungsod ng Shanghai kung saan naisara ng CIIE ang may US$57-billion na halaga ng business deals sa loob lamang ng limang araw. Ngayong Nobyembre ay isinagawa ang ikalawang CIIE kung saan inianunsiyo ni Chinese President Xi Jinping ang long-term na commitment ng China na bumili ng $30-trillion halaga ng mga imported na produkto at $10-trillion na halaga naman ng mga serbisyo sa iba’t ibang bansa. Kabilang sa mga na­ging panauhin ng CIIE ay si French President Emmanuel Macron na siyang…

Read More

INSIDENTE SA SCARBOROUGH SHOAL

SIDEBAR

Nasagot na ng Philippine Coast Guard ang tanong ng marami kung sino ba dapat ang mag­hain ng reklamo laban sa China sa insidente sa Scarborough Shoal noong Setyembre 30 kung saan sinita ng Chinese Coast Guard ang isang Greek-owned pero Liberian-registered na crude oil tanker at puro Filipino ang mga nagpapatakbo nito. Binigyang linaw ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia na walang awtoridad ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang nasabing insidente dahil ang MV Green Aura oil tanker ay foreign-owned at hindi barko ng Pilipinas kahit pa sabihing puro…

Read More

TAGILID PA RIN ANG PRANGKISA NG ABS-CBN SA KAMARA

SIDEBAR

May anim na panukalang batas na sa renewal ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN ang nakahain sa mababang kapulungan at kabilang sa mga nagsumite ng bill ay sina Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng Batangas at Rose Marie Arenas ng Pangasinan. Sa ilalim ng Republic Act No. 3846, ang mga may-ari ng television at radio stations sa bansa ay kinakailangang kumuha ng prangkisa sa Kongreso bago sila legal na makapag-operate. Ang mga naturang prangkisa ay kailangang i-renew pagkatapos ng 25 taon na siyang buhay ng isang prangkisa. Si Congressman Franz…

Read More

ANTI-DRUG CZAR

SIDEBAR

Si dating Pangulong Joseph Estrada ang bukod-tanging naging “Anti-Crime Czar” nang likhain ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at ginawang chairman nito ang kanyang bise presidente noon na si Estrada. Hindi siguro magiging pangulo ng bansa si Estrada kung hindi niya nagampanan nang mahusay ang kanyang pagiging anti-crime czar sa pamamagitan ng PACC at task forces nito na siyang responsable sa mga accomplishment ng komisyon. Inakala ng political advisers noon ni FVR na papalpak si Erap sa kanyang trabaho bilang PACC chairman at epektibong “anti-crime…

Read More

TULONG NG CHINA SA ‘PINAS, KULANG SA PUBLISIDAD?

SIDEBAR

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ng marami nating kababayan hinggil sa tulong na ibinibigay ng bansang China sa ating bansa partikular sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naisip ko na lang na baka kulang ang publisidad ng China hinggil sa mga tulong nito sa Pilipinas o sadyang malakas pa ang propaganda ng Estados Unidos para palakasin ang sentimiyentong anti-China at pro-US ng mga Filipino. Nitong nakaraang tatlong taon (2016-2019) halimbawa, tumaas ang bilang ng mga turistang Chinese sa bansa ng 150 porsyento mula…

Read More