Walang duda na ang pagkakasangkot sa Pampanga “ninja cops” ni Gen. Oscar Albayalde na nagresulta sa kanyang maagang pagbibitiw bilang chief ng Philippine National Police ay nagdulot ng matinding demoralisasyon sa hanay ng kapulisan at mismong si Pangulong Duterte ay sobrang dismayado sa pangyayari. Nagkaroon ng joint command conference ang PNP at Armed Forces of the Philippines noong Oktubre 15 at mismanage si Pangulong Duterte bilang commander-in-chief ang nag-preside sa komperensya at dito niya inilabas ang kanyang galit at disgusto sa nangyaring eskandalo sa PNP kung saan mismong PNP chief…
Read MoreTag: SIDEBAR
KARMA SA MGA ‘PAMPANGA NINJA’
Kinailangan ng anim na taon bago dumating ang karma sa 13 dating miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pampanga Provincial Police Office kung saan dati ring provincial director ang nagbitiw na Philippine National Police chief PGen Oscar Albayalde. Si PMaj Rodney Baloyo IV ang dating hepe ng PAID-SOTF na ka¬makailan ay naging resource person sa Senate Blue Ribbon Committee kung saan nakita nina Senador Richard Gordon at Panfilo Lacson ang pagsisinungaling ng lider ng Pampanga “ninja cops” hinggil sa Nov. 29, 2013 operation sa Mexico, Pampanga.…
Read MoreSEXUAL HARASSMENT SA ATENEO DE MANILA
Noong Martes, Oktubre 15, nagmartsa sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Katipunan, Quezon City ang may 500 mag-aaral at ilang propesor ng AdMU para ikondena ang dumaraming kaso ng sexual harassment laban sa mga estudyante. Sa harap ng Horacio De la Costa Hall na nagsisilbing administration office nagsagawa ng programa ang mga Atenista hawak ang placards na may mga panawagang: “Sexual Predators Get Out of Ateneo!” at “Ateneo Admin, Stand with Victims.” Tinawag na “Protest Against Sexual Misconduct and Impunity” ang kilos-protesta at sa mga talumpati ng…
Read MoreTERMINAL LEAVE SA PNP CHIEF
Kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Bong Go kaya nang sinabi niya sa media na ang presidente mismo ang nag-utos kay Gen. Oscar Albayalde na mag-terminal leave sa Philippine National Police, walang dahilan para pagdudahan ang senador. Si Interior Secretary Eduardo Año ang inatasan ni Pangulong Duterte na kausapin si Gen. Albayalde na agad namang tumalima kung kaya noong Oktubre 14 ay bumaba na sa kanyang puwesto si Albayalde at itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP si Lt. Gen. Archie Gamboa na kasalukuyang deputy chief for operations. Una nang inianunsiyo ni…
Read MoreDAPAT GAWING PANG-MASA ANG MANILA METROPOLITAN THEATER
Taong 2017 sinimulan ang rehabilitasyon ng Manila Metropolitan Theater (MET) sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na siyang nangangalaga sa P260 million budget na inilaan para sa MET. Sa unang kwarto ng 2020 matatapos ang renobasyon ng main theater ng MET at inaasahang muling makapapanood ang mga Filipino ng mga sariling ating pagtatanghal gaya ng mga zarzuela o musical play. Ang National Center for Culture and the Arts (NCCA) ang nagma-may ari ng teatro at kabilang sa mga ilalagay sa MET ang isang ballroom na puwedeng…
Read MoreSINO ANG SUSUNOD NA PNP CHIEF?
ISANG buwan na lang at magreretiro na sa Philippine National Police ang hepe nito na si Gen. Oscar Albayalde sa Nobyembre 8, araw ng kanyang ika-56 na kaarawan na siya ring mandatory retirement age sa PNP at maging sa Armed Forces of the Philippines. Kaya nga malabong politika sa loob ng PNP ang dahilan kung bakit nahaharap sa imbestigasyon sa Senado at Department of the Interior and Local Government (DILG) si Gen. Albayalde dahil malapit na siyang magretiro at ang isyu na inaalam sa kanya ay nangyari anim na taon…
Read MorePAMPANGA “NINJA COPS”
Kilalang may integridad at mahusay na opisyal ng Philippine National Police si retired Gen. Benjamin Magalong kaya hindi siya naging PNP chief ay sa dahilang ayaw niyang baguhin ang kanyang investigation report sa pagkamatay ng 44 commando ng PNP-Special Action Force noong Enero 2015. CIDG director din si Magalong nang maatasan ng noo’y PNP chief Gen. Alan Purisima na imbestigahan ang intelligence chief ng Pampanga police provincial office at mga tauhan ng Pampanga Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAID-SOTG) matapos makatanggap ng ulat na sabay-sabay bumili ng mga bagong…
Read MoreIKA-70 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA
Kahapon, Oktubre 1, ang ika-70 anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng People’s Republic of China (PROC) sa pamamagitan ng proklamasyon ng Communist Party of China Chairman Mao Zedong matapos ang tatlong taong giyera sibil laban sa Kuomintang ni Chiang Kai-shek. Malaking selebrasyon ang nasaksihan sa Tiananmen Square sa syudad ng Beijing kahapon kung saan muling ipinakita ng PROC ang mga modernong kagamitang pandigma ng Peoples Liberation Army na tumalo sa pwersa ng Kuomintang na nagresulta sa pag-atras ni Chiang Kai-shek sa Taiwan na siyang naging Republic of China. Binigyang diin…
Read MoreMGA ANAY SA PNP ANG “NINJA COPS”
Maituturing na mga anay sa Philippine National Police ang mga miyembro nitong sangkot sa pag-recycle ng mga nahuhuling ilegal na droga at ang pagsisilbi bilang mga protektor ng mga kilalang drug lord at drug queen kapalit ng malaking pera mula sa pagbebenta ng droga. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director-General Aaron Aquino, mahigit 700 pulis ang nasa sa drug watchlist ng PDEA kabilang na ang mga tinatawag na “ninja cops” na nag-o-operate rito sa Metro Manila. Bagama’t maliit na porsyento lang sa kabuuang bilang ng buong PNP na nasa…
Read More