HAZING SA PANAHON NG SOCIAL MEDIA

SIDEBAR

Sa kabila ng Anti-Hazing Law na naging batas noong 1995 bunsod ng dumaraming bilang ng mga namamatay sa hazing rites ng mga fraternity sa unibersidad, patuloy ang tradisyon nito at inasahan noon na huling biktima na ang law student ng University of Santo Tomas na si Horacio “Atio” Castillo na namatay noong 2017. Nitong nakaarang linggo ay isa namang biktima ng hazing ang namatay na si Darwin Dormitorio na isang 4th class cadet sa Philippine Military Academy kung saan nanggagaling ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Bago…

Read More

MISSION IMPOSSIBLE NA ANG EDSA

SIDEBAR

Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino lumala nang husto ang lagay ng trapiko sa EDSA dahil na rin sa pagdami ng mga mga pribadong sasakyan kasabay ng malimit na pagkasira ng MRT na siyang dapat pinaka-episyenteng mass transport sa pangunahing highway sa Metro Manila. Nakailang eksperimento na rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa traffic engineering kung papaano mababawasan ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA na may kapasidad lang na 170,000 na behikulo araw-araw. Minsan na ring sumaklolo ang MMDA sa Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine…

Read More

KIDNAPPING NG MGA CHINESE

SIDEBAR

Sa paglaki ng bilang ng Chinese nationals na nagpupunta sa Pilipinas para maglaro sa mga casino, dumarami rin ang bilang ng mga Chinese na nababaon sa utang sa mga tinatawag na loan sharks sa mga casino. At kapag hindi makabayad ang mga naturang Chinese, sila ay dinudukot at dinedetine ng kanilang mga kababayan mula sa Peoples Republic of China (PRC) para ipatubos sa kanilang mga pamilya at kamag-anak kapalit ng kanilang kalayaan. Base sa datos ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, mula 2017 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na…

Read More

ANTI-DISCRIMINATION BILL, HINDI SOGIE, ANG DAPAT ISABATAS NG KONGRESO

SIDEBAR

Tama ang posisyon ng Malacañang at ni Senate President Vicente Sotto III na ang mas kailangang batas ay tungkol sa anti-discrimination na ‘di ha­mak na mas malawak ang saklaw kaysa Sexual Orien­tation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill na isinusulong ng ilang mambabatas. Limitado lang kasi ang SOGIE Bill sa diskriminasyon laban sa mga LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer community) at kadalasan pa ay nagiging sanhi ito ng ‘di pagkakaunawaan at debate gaya ng nangyari sa Far­mers Plaza kung saan na­ging isyu ang paggamit ng CR (comfort…

Read More

DAPAT MUNANG REPORMAHIN ANG BUCOR BAGO MAREPORMA ANG MGA PRESO NG NBP

SIDEBAR

Nasa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman ang magsuspinde ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na nakikitaan ng sapat na ebidensya para sa preventive suspension ng mula 90 hanggang 120 araw. Walang duda na naka-monitor ang mga imbestigador ng Ombudsman sa isinasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa maano-malyang pagpapalaya sa may 1,900 convicts sa ilalim ng Good Con-duct Time Allowance (GCTA)  na itinadhana sa Republic Act 10592. Mismong si Ombudsman Samuel Martires ang nagpalabas ng 120-day preventive suspension sa 27 opisyal ng Bureau of Corrections na may kinalaman sa…

Read More

DAPAT MA-REPEAL AGAD ANG R.A. 10592

SIDEBAR

Sa mga resource persons sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights hinges sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA), tanging si dating Justice Undersecretary Reynante Orceo lamang ang nakapagbigay-linaw sa natu­rang usapin na pumutok sa media matapos mapabalita na ang kontro­bersyal na dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ang isa sa mga mapapalaya dahil sa GCTA. Ayon kay Orceo, ang GCTA na nakasaad sa Republic Act 10592 ay naibibigay kapangyarihan sa Bureau of Corrections (nasa ilalim ng Department of Justice) at Bureau of Jail Management and Penology…

Read More

ANG TRAHEDYA NI GEN. TOMOYUKI YAMASHITA

SIDEBAR

Sa pamamagitan ng Republic Act No. 11216, idineklara ang Setyembre 3 ng taong kasalukuyan at mga susunod na taon bilang isang national holiday para gunitain ang pagsuko ni Gen. Tomoyuki Yama­shita na siyang commanding general ng Imperial Ja­panese Army sa Pilipinas sa pagtatapos ng World War II. Special working holiday sa buong bansa ang Set­yembre 3 ayon sa RA 11216 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 13. Ibig sabihin, holiday pero may pasok at lalong walang holiday pay sa mga manggagawa. Si Baguio City Rep. Mark Go ang…

Read More

NASA KAMAY NG RTC ANG DESISYON SA VIDEOCONFERENCING NI SEN. DE LIMA

SIDEBAR

Nitong nakaraang Lunes ay naghain ng resolusyon sina Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson na magbibigay-daan sa partisipasyon sa mga deliberasyon ng Senado kay Senador Leila de Lima habang ito ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame. Teleconferencing ang pamamaraan ng partisipas­yon ni De Lima sa mga se­syon sa Senado at hindi na ito imposible sa digital age kung saan maglalagay ng digital camera equipment sa loob ng PNP Custodial Cen­ter at sa tulong ng mga technician ay maaaring makita ang detenidong senador ng mga kapwa niya senador…

Read More

USAPANG UNCLOS, EEZ, ECS AT HOUSE BILL 5487

SIDEBAR

Kamakailan ay naging isyu ang mga pagpasok nang walang paalam sa karagatan ng Pilipinas ng mga barko ng China kabilang na ang mga pang-komersyal at pangmilitar. Walang kapasidad ang ating Sandatahang Lakas na i-monitor ang mga sinasabing “maritime incursions” ng Chinese vessels sa ating karagatan at nagdedepende na lang ang Department of National Defense (DND) sa mga impormasyong nanggaling sa “independent sources” na may access sa satellite photos. Isa na rito ang blogger US Naval War College na si Ryan Martinson na may access umano sa satellite photos mula sa…

Read More