P700-B NG NATIONAL BUDGET ANG NAPUPUNTA SA KORAPSYON

SIDEBAR

Nanatili ang Pilipinas na isa sa pinaka-corrupt na bansa sa buong Asia-Pacific Region at ayon mismo kay Deputy Ombudsman Cyril Ramos, pang-anim ang Pilipinas sa dami ng pera ng go­byerno na hindi napapakinabangan dahil sa matin­ding korapsyon. Umaabot sa P700 bilyon ang napupunta sa korapsyon at ang naturang halaga ay katumbas ng humigit-kumulang na 20 porsyento ng national budget ayon pa rin kay Ramos sa isang talumpati sa summit on crime prevention na pinangunahan kamakailan ng National Police Commission. Kung hindi kinurakot ang 700 bilyong piso, nakapagpatayo sana ng 1.4…

Read More

MAYAMAN ANG RECTO BANK SA LANGIS AT NATURAL GAS

SIDEBAR

Sa Agosto 28, ay nakatakdang pumunta muli ng China si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ikalimang pagbisita niya rito at ikatlong pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jingping. Inaasahang isa sa mga pangunahing agenda ng pulong ng dalawang lider ang tungkol sa joint exploration ng Reed Bank (Recto Bank) kung saan nagkaroon ng insidente noong Hunyo kung saan nabangga ng isang Chinese fishing boat ang bangkang de-katig ng mga Filipinong mangingisda. Base na rin sa mga naging pag-aaral, umaabot sa 5.4 bilyong bariles ng langis ang makukuha sa Reed Bank at…

Read More

MAY MGA TEXTBOOK SYNDICATE PA RIN BA SA DEPED?

SIDEBAR

Hindi biro ang 3.4 milyon na libro na hindi mapakinabangan ng mga estu­dyante sa mga pampublikong paaralan dahil sa napakaraming errors na nakalagay sa mga nasabing aklat base sa 2018 report ng Commission on Audit sa Department of Education. Nagkakahalaga ng P113 milyon ang 3.4 mil­yon na erroneous textbooks at iba pang learning materials na nakatambak lang sa mga warehouse ng DepEd dahil nga hindi puwedeng ipamahagi sa mga estudyante. Ayon sa COA report, umaabot sa mahigit 2,055 ang mga nakitang errors sa mga Grade 3 textbooks sa mga subject…

Read More

AKTIBISTANG MENOR DE EDAD

SIDEBAR

May kasabihan sa wikang Tagalog na puwedeng tiisin ng anak na hindi makita ang kanyang magulang pero ang magulang kailanman ay hindi kayang matiis na mawalay ang kanyang anak at kahit ano pa ang kasalanan nito ay handang magpatawad ang magulang. Ito ang aktwal na dinaranas ng mga magulang na i­niwan ng kanilang mga anak matapos sumapi sa makakaliwang grupo ng Anakbayan at matagal na panahon na ring hindi nila nakikita at ni hindi nagpaparamdam sa kanila sa pamamagitan ng text message. Tatlong ina ang nagsilbing resource persons ng Senate…

Read More

POLITIKA AT SHOWBIZ

SIDEBAR

Mula nang naging matagumpay ang pagpasok sa politika ng aktor na si Joseph “Erap” Estrada, marami nang taga-showbiz ang pumasok sa politika. Dahil dito, may mga politiko na tumatakbo sa mas mataas na posisyong nasyunal ang kumukuha ng mga talent manager at showbiz PR (public relations) para tumaas ang popularidad. Kapag may pumuputok naman na eskandalo laban sa mga politiko, sasabihin ng kanilang PR handlers na sa “proper forum” na lang nila sasagutin ang mga alegasyon. Gayundin, sa pag-handle ng mga crisis-PR gaya ng pinagdaraanan ngayon ng aktor na si…

Read More

KASONG LIBELO

SIDEBAR

Sinasabing pagsasampa ng kasong libelo ang hu¬ling linya ng depensa ng mga taong sa kanilang paningin ay naging biktima ng mga maling paratang hindi lamang ng mga per¬yodista kundi maging ng mga ordinaryong tao na gumagamit ng social media. Katotohanan naman ang depensa ng mga peryodista na nahaharap sa kasong libelo at sa mga pagkakataong nagkakamali at walang matibay na batayan ang mga peryodista o ko¬lumnista sa kanilang mga nailathala, sila ay nahahatulang guilty ng hukuman sa kasong libelo. Mas madalas na ma-convict ang mga peryodista ng libelo kapag ang…

Read More

STL AT JUETENG

SIDEBAR

Pwede na muling tumaya sa lotto matapos muling pabuksan ang may 30,284 lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng kautusang pag-alis ng Malacañang sa naunang suspension order nito sa operasyon ng lotto sa bansa. Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno habang iniimbestigahan ito ng Department of Justice dahil sa mga ulat na hindi nakukuha ng PCSO ang tamang kubransa sa mga operator ng STL. Base sa 2017 at 2018 report ng Commission on Audit, lumilitaw na ang STL…

Read More

NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS

SIDEBAR

Kamakailan ay naging ganap na batas ang Republic Act No. 11350 matapos itong lagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at ito ang magbibigay daan sa pagtatatag ng isang National Commission of Senior Citizens. Nilusaw ng RA 11350 ang National Coordinating and Monitoring Board na nilikha sa bisa ng naunang batas na Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim ng bagong batas sa senior citizens, i­lilipat sa komisyon ang lahat ng programa ng Department of Social Welfare and Deve­lopment na may kinalaman sa mga mahihirap, bulne­rable at nasa disbentaheng mga Filipino…

Read More

PARUSANG KAMATAYAN SA DRUG LORDS AT PLUNDERER

SIDEBAR

Sa ilalim ng administras­yon ni Pangulong Fidel V. Ramos naging ganap na batas ang pagbabalik ng Death Penalty sa mga tinatawag noon na heinous crimes gaya ng kidnapping-for-ransom, drug trafficking, rape, murder at carnapping with homicide. 1993 naging batas ang Republic Act 7659 na nagpanumbalik sa capital punishment bilang tugon sa lumalalang kriminalidad sa bansa partikular ang mga kaso ng kidnapping, bank robbery at rape with murder. Hindi agad naipatupad ang RA 7659 dahil naghintay pa ito ng panibagong batas noong 1996 na tinawag na RA 8177 o ang batas…

Read More