(NI ABBY MENDOZA) NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang package 2+ ng Comprehensive Tax Reform Program na magtataas ng excise tax rates sa alcohol products, heated tobacco at vapor products sa bansa. Ang nasabing panukala ay niratipikahan na rin sa Senado kaya inaasahang isusumite na ito sa Malacanang para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng panukala ang mga inuming distilled spirits ay papatawan ng ad valorem tax na 22 percent ng retail price at additional specific tax na P42 per liter sa taong 2020, P47 sa 2021, P52…
Read MoreTag: sin tax
KABATAAN MAKIKINABANG SA SIN TAX
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN si Senador Pia Cayetano na higit na makikinabang ang mga kabataan sa bansa sa panukalang dagdag-buwis sa mga alak at sigarilyo. Ayon sa senador, pangunahing layunin ng Senate Bill No. 1074 na iiwas ang mga kabataan na malulong sa masamang epekto ng alak at sigarilyo sa pamamagitan ng pagdagdag sa buwis sa sin tax. Sinabi ni Cayetano, chair ng Senate Ways and Means committee, ang dagdag na excise taxes sa lahat ng alcoholic beverages at e-cigarettes kabilang din ang tobacco products at ng vapes. “What we…
Read MoreYOSI TAX PIPIRMAHAN NA NI DU30
(NI BETH JULIAN) AGAD-AGAD. Ito ang gagawing aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa tobacco sin tax bill para maging isang ganap na batas. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa sandaling dumating na sa Office of the President ang Senate Bill 2233, ay asahan nang agad itong haharapin at pipirmahan ng Presidente at hindi na patatagalin pa. Una nang lumusot sa Senado ang panukalang batas sa botong 20-0-0 na mismong ang Pangulo ang umaasang lulusot sa dalawang kapulungan ang panukala. “Logic na lamang ang magdidikta na walang pagdadalawang…
Read MoreKOLEKSIYON SA SIN TAX DIRETSO SA HEALTH CARE LAW
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY) IPAPANUKALA ng isang senador na ilagay ang lahat ng koleksyong makukuha sa isinusulong na bagong sin tax bill sa universal healthcare (UHC) program ng pamahalaan. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nito sa kanyang mga kabaro na ilagay ang makokolektang dagdag-buwis sa tobacco products sa pagpapagamot ng mahihirap. “I would propose that the increases in the excise tax on tobacco as a result of the sin tax that we are working on now should be devoted solely to the universal health program…
Read MoreSIN TAX HIKE IHAHABOL SA 17TH CONGRESS
(NI NOEL ABUEL) PIPILITIN ng isang senador na maihabol bago matapos ang 17th Congress ang panukalang pagdaragdag sa buwis sa sin tax partikular sa sigarilyo. Ayon kay Senador Win Gatchalian hihilingin nito sa mga kapwa mambabatas na talakayin sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng dagdag na ₱70 buwis sa kada pakete ng sigarilyo upang maawat ang maraming Filipino na bumili ng sigarilyo maliban pa sa ang makokolektang buwis ay makadaragdag sa pondo na magagamit sa universal health care program. Kumpiyansa ang senador na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ang…
Read More