(NI ABBY MENDOZA) SA layuning maiwasan na ang paggamit ng plastic bags, umarangkada na sa Kamara pagdinig sa pagpapataw ng excise tax sa mga single-use plastic bags. Sinimulan na ng House Ways and Means Committee ang pagtalakay sa House Bill 178 na inihain nina Nueva Ecija Rep Estrelita Suansing at Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing na naglalayong amyendahan ang National Internal Revenue Code. Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng P10 excise tax ang kada kilo ng single used plastic bags simula Enero 1, 2020. Umangal si Philippine Plastic Industry…
Read More