AFP PINAKAMAHINA SA SOUTHEAST ASIA; SOLONS DEPENSA NG PINAS ‘DI NAPALAKAS NG US

WALANG napala ang mga Filipino sa isang siglong pakikipag-alyansa sa Amerika dahil imbes na lumakas ang ating depensang militar ay lalo lang itong humina. Ito ang pahayag nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat bilang suporta sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika. Ayon kay Zarate, pinakamahina ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa rehiyon ng Southeast Asia gayung nakasandal tayo sa pinakamalakas na puwersa sa buong mundo.“More than a century of over-dependence by our security sector with the US only made…

Read More

SOLONS KINATIGAN ANG AKSYON NI DIGONG; PINOY WALANG PAKINABANG SA VFA

SA bihirang pagkakataon, pinuri ng militanteng mambabatas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala umanong naging pakinabang dito ang sambayanang Filipino. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kinatigan nito ang desisyon ni Duterte na ibasura ang VFA dahil tanging interes ng Amerika ang pinoproteksyunan nito at hindi ang mga Filipino gayung dito nagtatayo ng pasilidad at nagsasanay ang puwersa ng Amerika. “Wala naman talaga tayong pakinabang sa VFA na iyan kaya tama si Presidente Duterte,…

Read More

SOLONS: OIL PRICE HIKE BUBULAGA SA 2020

oil price hike12

(NI BERNARD TAGUINOD) MASA-SHOCK ang taumbayan sa presyo ng langis simula  Enero 1, 2020 dahil sa third tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na posibleng makaapekto, hindi lamang sa presyo ng mga bilihin kundi sa serbisyo publiko. Ito ang babala nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa panayam ng Saksi Ngayon, kaugnay ng 3rd tranche ng TRAIN law kung saan muling madaragdagan ang buwis sa mga produktong petrolyo. “Even if the Department of Energy (DOE) is telling oil companies to first deplete their old stocks…

Read More

SOLONS ‘DI KASAMA SA TERM EXTENSION

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) MALIBAN sa mga congressmen, tanging ang mga Local Government officials ang makikinabang sa Charter Change (Cha Cha) na nais isulong sa Kongreso ngayong 18thCongress. Ito ang nais mangyari ni Albay Rep. Joey Salceda ukol sa Cha Cha na isa sa mga nais niyang marinig kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), Lunes ng hapon. Sa panayam kay Salceda, sinabi nito na kailangan na kailangan ang palawigin o pahabain ang taon ng pagsisilbi ng mga local officials dahil ang mga ito…

Read More

SOLONS TO THE RESCUE SA BACOOR CAVITE TEACHER

cr faculty12

(NI BERNARD TAGUINOD) IDINEPENSA ng mga kinatawan ng mga guro sa Kongreso ang isang public school teacher sa Bacoor, Cavite na binantaang mahaharap sa kasong administratibo matapos mag-viral ang kanyang post sa social media hinggil sa paggamit ng mga faculty members sa comfort room bilang kanilang faculty room dahil sa kakulangan ng pasilidad. Ayon kina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at France Castro, walang masama sa ginawa ni Maricel Herrera, faculty president sa  Bacoor National High School nang i-post nito ang paggamit ng mga ito sa mga comfort room…

Read More

17TH CONGRESS NAGWAKAS NA; 74 SOLONS GRADUATE NA

gma congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGWAKAS na Martes ng gabi, Hunyo 4,2019 ang  17th Congress. Bilang tradisyon ng Kongreso tuwing sine-die ng Kongreso ang House Minority Leader sa katauhan ni Quezon Rep. Danilo Suarez ang tumayong presiding Speaker at nagsara ng session ng 17th Congress. Nagsimula ang 17th Congress noong Hulyo 2016  kung saan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang namuno sa Kapulungan subalit tinanggal ito noong Hulyo 2018 at pinalitan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo. Gayunman, tanging si Alvarez at mga top officials nito ang pinalitan sa kani-kanilang puwesto habang nanatili naman…

Read More

MANDATORY DRUG TEST HINILING SA MGA SOLONS

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG masiguro na walang adik s Kongreso,  kailangang magkaroon ng mandatory drug test sa mga mambabatas, kasama na ang kanilang mga staff at mga empleyado ng kapulungan. Ito ang muling iginiit ni House committee on dangerous drugs chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte bilang bahagi ng “drug-free Congress” campaign at pagtugon na rin sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama rin sa dapat aniyang sumailalim sa drug test ay ang mambabatas na kasama sa Narco-list ni Duterte. Magugunita na kasama ang pangalan nina Leyte…

Read More

MAUNLAD NA MALAYSIA: SOLONS HUMINGI NG TIP KAY MAHATHIR

maha

(NI BERNARD TAGUINOD) SINAMANTALA ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado, ang pagkakataon para makahingi ng tip kay Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad NA nasa bansa ngayon para sa tatlong araw na offiicial  visit. Kalahating oras din nakasama ng mga mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Mahathir sa Joint call sa Shangri-la Makati City, Miyerkules ng umaga. “Oh, very cordial and of course he’s a very wise old man so the legislators were asking him…

Read More

SOLONS: ATENEO MANANAGOT

ATENEO200

(NI NOEL ABUEL) DAPAT panagutan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang pambu-bully ng isa nilang estudyante sa kapwa mga mag-aaral. Sinabi ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III, nakapaloob sa batas laban sa bullying ang pananagutan ng mga paaralan kaugnay sa mga ganitong insidente. “Sagutin ng school ‘yun at sa batas ay nananagot ang eskwelahan at magulang. Pag-aralan nilang mabuti ang batas, may law school pa naman sila. Masamang pangyayari yan sa isang eskwelahan. Nangyayari yan, pero ang mabilis na aksyon ng eskwelahan ang mahalaga,” sabi pa ni Sotto.…

Read More