FAELDON PINASISIBAK  SA PALPAK SA BUCOR

(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senate President Vicente Sotto III na balasahin ang Bureau of Corrections (BuCor) na pinamumunuan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos lumaya ang mga kriminal na nahatulan sa heinous crimes. Sa kanyang tweets, sinabi ni Sotto na marapat nang magkaroon ng sibakan sa BuCor na lubha nang umiinit ang kontrobersiya sa ahensiya kabilang ang pagpalaya sa mga convicted drug lords, rapists, murderer at iba pang krimen na disqualified sa paghingi ng parole. Ayon kay Sotto, may ulat na nilagdaan ni Faeldon ang release papers ng apat…

Read More

SOTTO SA MMDA: ‘WAG LANG EDSA ANG LINISIN SA TRAPIK

edsabus12

(NI NOEL ABUEL) KUNG seryoso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabawasan ang lumalalang sikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ay dapat na linisin ang lahat ng obstruction sa lansangan. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Public Services Committee sa pamumuno ni Senador Grace Poe, hiniling ni Senate President Vicente Sotto III sa MMDA na unahing linisin ang mga nakahambalang na illegal parking at iba pang obstruction na nakakadagdag sa pagsisikip ng daloy na trapiko. Inihalimbawa pa ni Sotto ang dinaranas nitong…

Read More

ANTI-FAKE NEWS DAPAT NANG MAGING BATAS – SOTTO

fake33

(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang isulong ang pagpapataw ng parusa sa nagpakalat ng maling balita at impormasyon sa internet at iba pang social media platforms. Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kasunod ng pag-amin ng isang nagpakilalang blogger na ginagamit nito ang social media para atakehin ang isang personalidad. “Maraming tao ang nabibiktima ng maling balita o impormasyon. Ano ang proteksyon natin sa mga paid hacks? Paano matatanggal ang maling impormasyon?” ayon kay Sotto. Inihalimbawa pa nito ang kaso ni Dennis Borbon, na nagpakilalang anti-Duterte blogger, na…

Read More

ANTI-TERRORISM BILL UUNAHIN; DEATH PENALTY ITINABI

antiterror44

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK  ng liderato ng Senado na uunahin ng mga itong talakayin sa pagbubukas ng 18th Congress ang Anti-Terrorism bill na nabigong maipasa sa nakaraang Kongreso. Ito ang pagtitiyak ni Senate President Vicente Sotto III kung saan ipaprayoridad ng Senado ang pagtalakay sa nasabing panukala na mahalagang maipasa ngayong Kongreso dahil na rin sa nangangailangan nito. Maliban sa Anti-terrorism bill isasama rin ng mga senador ang pag-amyenda sa Public Service Act at ang Foreign Investments Act na pawang napag-iwanan noong nakalipas na Kongreso dahil sa kakulangan ng sapat…

Read More

SOTTO MULING NAIHALAL BILANG SENATE PRESIDENT

(NI ERNIE REYES/PHOTO BY DANILO BACOLOD) MULING naihalal bilang Senate President si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III sa unang sesyon ng 18th Congress. Naunang binuksan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang sesyon saka nagkaroon ng nominasyon Walang tumutol sa nominasyon ni Sotto, ngunit ayon kay Minority Leader Franklin Drilon, nagpahayag ng botong abstain sina Senador Risa Hontiveros at Francis Pangilinan. Kasunod nito, nanumpa si Sotto sa kanyang sariwang mandato sa pangunguna ni Sen. Panfilo Lacson. Kasama ni Sotto ang kanyang kabiyak si Helen Gamboa at kanyang anak na si…

Read More

SOTTO KUMPIYANSA SA POSISYON

tito sotto

(NI NOEL ABUEL) KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na mananatili pa rin itong pinuno ng Senado hanggang sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22. Ayon kay Sotto, base sa nakarating na impormasyon dito ay marami pa ring kapwa senador nito ang nagtitiwala sa pamumuno nito sa Senado. “Mukhang ganu’n ang gusto ng majority ng mga kasama ko, ako pa rin ang maIhalal,” ani Sotto sa panayam sa radyo. Idinagdag pa nito na halos kumpleto na ang mga komite sa Senado na hahawakan ng mga senador kung saan…

Read More

SOTTO KIKILOS: P2-M MULTA, KULONG SA MAGKAKALAT NG FAKE NEWS

fake33

(NI NOEL ABUEL) KUMILOS na ang Senado laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa mga website at social media na mahaharap sa pagkakakulong at multang aabot sa P2 milyon. Mismong si Senate President Vicente Sotto III, ang naghain ng Senate Bill No. 9, o ang An Act Prohibiting the Publication and Proliferation of False Content on the Philippine Internet, Providing Measures to Counteract its Effects and Prescribing Penalties. Sa oras na maipasa ang panukala ay maparurusahan na ang lahat ng nasa likod ng fake news. Aniya sa survey ng…

Read More

14TH MONTH PAY TAGILID; MARAMI ANG LUGI — SOLON

bonus12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lahat ng 42.2 milyon manggagawa sa bansa ay makikinabang  14th month pay na isinusulong sa Senado subalit lahat ay magdurusa kapag nagtaas ng presyo ang mga negosyante sa pribadong sektor para mabawi ang dagdag na benepisyo sa mga empleyado. Ito ang pananaw ng ekonomistang mambabatas na si Albay Rep. Joey Salceda kaugnay ng 14th Month Pay bill na inihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III. “Nominally, 14th month pay is 7.6% increase for 24.8 million non-public sector labor. Employers pay 70% ang government loses 30%. This on top of…

Read More

GILAS PILIPINAS U19, LUHAAN SA GREECE

gilas100

(NI JOSEPH BONIFACIO) LUHAAN ang Gilas Pilipinas youth squad nang kaldagin ng Serbia, 87-60 at tuluyan nang napatalsik sa kontensyon ng 2019 FIBA U19 World Cup kahapon sa Heraklion, Greece. Ranked no. 30 sa mundo, pumalag pa sa umpisa ng laro ang Nationals, 22-18 laban sa world no. 4 Serbia, subalit nagpakawala ng mabigat na 17-1 birada ang Serbians upang biglaang ibaon sa 39-19 ang iskor at hindi na nilingon pa ang mga Pinoy. Umabot pa sa 29 puntos ang kalamangan ng European powerhouse tungo sa malaking 27-puntos na panalo.…

Read More