YOSI, ALAK, VAPE MAY DAGDAG BUWIS NA  

(NI ESTONG REYES) INAPRUBAHAN ng   Bicameral Conference Committee ang panukalang dagdagan muli ng panibagong buwis ang sigarilyo, alak at e-cigarette o vape upang makakalap ng sapat ng pondo ang pamahalaan para sa Universal Health Care (UHC). Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on ways and means; at Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na nagkasundo ang dalawang kapulungan na dagdagan muli ang buwis sa naturang produkto matapos ang mahabang diskusyon na ginanap sa Senado. Anila, nagkasundo ang bicam …

Read More

NOVEMBER TARGET NALAGPASAN NG BOC-PORT OF TACLOBAN

PORT OF TACLOBAN

(Ni Joel O. Amongo) BILANG pagtupad sa mandato ng Bureau of Customs (BOC) para mangolekta ng makatuwirang buwis para sa gobyerno, nalagpasan ng Port of Tacloban ang kanilang November target. Batay sa ulat ng BOC-Port of Tacloban, nakapagtala sila ng positibong lagpas na 65.2 porsyento ng kanilang koleksyon para sa nasabing buwan. Ang Port of Tacloban, kasama ng kanyang Subports (Isabel at Catbalogan) ‘as of November 30, 2019’ ayon sa kanilang ulat, ay positibong sumobra sa kanilang target. Ang kanilang actual na nakolekta ay umabot ng P70,938,330,  na 65.2 porsiyentong mas malaki sa nakatalaga sa kanilang target…

Read More

RELIEF GOODS, DONASYON SA KALAMIDAD TATANGGALAN NG TAX

(NI BERNARD TAGUINOD) ILILIBRE na sa buwis ang mga donasyon ng ibang bansa, pera man o relief goods sa mga biktima ng kalamidad sa ilalim ng Department of Disaster Resilience. Ito ay matapos aprubahan ng House committee on ways and means ang mga panukalang batas na ilibre sa buwis ang mga donasyon mula sa ibang bansa at bigyan ng insentibo ang Filipino na tutulong sa mga mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol. Walang tumutol nang isalang sa nasabing komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang…

Read More

DAGDAG-BUWIS SA POGO, APRUB NA SA HOUSE PANEL

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ang dalawang pagdinig, inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang karagdagang pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa ilalim ng House Bill 5257 na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda, papatawan ng 5 porsyento ang franchise tax sa gross winnings ng POGO na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang 25 % withholding tax sa mga manggagawa sa POGO na ang minimum na kita ay nasa P600,000 kada taon. Ayon kay Salceda, hamak na mas maganda ang POGO tax…

Read More

DAGDAG NA ROAD USER’S TAX LUSOT SA HOUSE PANEL

(NI BERNARD TAGUINOD) Ilang panahon na lang ay  madaragdagan na ang buwis na binabayaran ng mga motorista taon-taon sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan matapos lumusot sa committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang itaas ang singil Road User’s Tax (RUT). Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na siyang nag-apruba sa panukala, aabot sa P40 Billion ang inaasahang maidaragdag sa koleksyon sa buwis sa loob ng tatlong taon sa pagtataas sa RUT na kilala din Motor Vehicle Users Charge (MVUC). Sa ilalim ng…

Read More

BUWIS SA LOTTO ILAAN SA PABAHAY, EDUKASYON – SOLON

lotto44

(NI BERNARDN TAGUINOD) UPANG makabalato ang mga ordinaryong mamamayan sa mga mananalo ng jackpot sa lotto, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilaan ang ipinapataw na buwis dito  sa pabahay at edukasyon. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 2919 na inakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo. Simula noong nakaraang taon, pinatawan ng gobyerno ng 20% na buwis ang napapanalunang jackpot ng mga lotto na dati ay libre sa tax matapos mapanalunan ng isang kababayan nakatira sa ibang bansa ang isang malaking jackpot. Dahil buwis…

Read More

$1K CORPORATE INCOME TAX BAWAT POGO MACHINE IHAHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) NAKATAKDANG maghain sa susunod na Linggo si House Ways and Means Chair Joey Salceda ng panukala na magpapataw ng  $1,000 presumptive corporate income tax bawat upuan o machine na ginagamit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Salceda maituturing na ‘circuit breaker’ang nasabing panukala kung saan P25B ang malilikom na dagdag pondo. Nabatid na 1.5 porsiyento ang ambag sa gross domestic product ng operasyon ng POG0 sa bansa. Nakapaloob din sa panukala na isasama na ng Banko Sentral ng Pilipinas ang POGO bilang hiwalay na item…

Read More

SC KINALAMPAG SA TRAIN LAW

sc

(NI BERNARD TAGUINOD) KINALAMPAG ng isang kongresista  ang Korte Suprema para desisyunan na ang petisyon na nagpapabasura sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pag-atake sa Saudi oil field noong nakaraang linggo. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, mahalagang madesisyunan na ang nasabing petisyon laban sa nasabing batas dahil ito ang panlaban aniya sa malakihang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pag-atake sa Saudi. “We are  calling on the Supreme Court to decide on our petition…

Read More

NATIONAL TAX PINATATAASAN NI PANGILINAN

(NI NOEL ABUEL) PINAAAMYENDAHAN ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Local Government Code (LGC) of 1991 na naglalayong dagdagan pa tinatanggap na national tax. Ayon kay Pangilinan, malaking bagay ang ibinibigay na tulong ng mga local government units bilang frontline providers sa pagbibigay ng tulong sa nasasakupan kung kaya’t mula sa 40 porsiyento ay dapat na maging 50 porsiyento ng national taxes sa halip na national internal revenue taxes.“Pinakaunang takbuhan ng ating mamamayan ang mga LGUs. Kailangang sapat ang kita para matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan,” aniya. “The bill will harmonize the…

Read More