CONTINGENCY PLAN PINALALATAG NA SA MIDDLE EAST CRISIS

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG ilatag na ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang contingency plan para paghandaan sakaling lumala pa ang girian ng Estados Unidos at Iran matapos mapatay ng Amerika ang top Iranian General sa Iraq kamakailan. Ito ang pawang panawagan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos magbanta ang Iran na gaganti ang mga ito sa pagpatay ng Amerika kay Major General Qasem Soleimani. “I think we should have a head count (now). The situation is dangerous right now especially to our OFW (Overseas Filipino Workers). So…

Read More

SC KINALAMPAG SA TRAIN LAW

sc

(NI BERNARD TAGUINOD) KINALAMPAG ng isang kongresista  ang Korte Suprema para desisyunan na ang petisyon na nagpapabasura sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pag-atake sa Saudi oil field noong nakaraang linggo. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, mahalagang madesisyunan na ang nasabing petisyon laban sa nasabing batas dahil ito ang panlaban aniya sa malakihang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pag-atake sa Saudi. “We are  calling on the Supreme Court to decide on our petition…

Read More

PRESYO NG BILIHIN ‘DI BUMABA SA 2.4% INFLATION RATE

market23

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  bumaba na sa 2.4% ang inflation rate noong Hulyo, nananatili pa rin ang presyo ng mga bilihin na naitala noong Setyembre 2018 kung saan naitala ang pinakamataas na inflation o paggalaw ng presyo na isinisisi sa Tax Refrain Acceleration (TRAIN) law. Ito ang pahayag ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza matapos maitala ang pinakamababang inflation rate noong Hulyo simula noong ipatupad ang TRAIN law noong Enero 2018. “The inflation rate has been brought down to 2.4, but the prices of basic goods and commodities have…

Read More

INFLATION RATE NUMERO LANG; PRESYO NG BILIHIN ‘DI BUMABABA

market23

(NI BERNARD TAGUINOD) NUMERO lamang ang inflation rate na bumababa at  hindi ang presyo ng mga bilihin sa palengke. Ganito minaliit ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang naitalang 3% inflation rate noong Abril na mas mababa sa naitalang 3.3 % noong Marso at 3.8% noong Pebrero. “Iba ang sitwasyon sa ground. Hindi naman bumababa ang presyo eh. Yung kangkong na ibinebenta ng P10 kada tali, hindi naman bumalik sa P5 ang presyo,” ani De Jesus. Tanging ang mga mahihirap aniya ang nakararamdam sa tunay na sitwasyon sa “ground”…

Read More

MAKIKINABANG LAHAT SA TRAIN LAW – DU30

DUTERTE-31

(NI BETH JULIAN) DAHIL sa walang humpay na pagbatikos na tinatanggap, pinalagan muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kritiko kaugnay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Sa pagdalo ng Pangulo sa TBD- (PDP-LABAN) Abra campaign rally sa Divine Word College Gymnasium Zone 6, Bangued, Abra, pinayuhan muli nito ang mga kritiko na manahimik muna at hintayin na lamang ang resulta ng ipinatutupad na TRAIN Law. Tiniyak din ng Pangulo na sa kalaunan ay makikinabang ang lahat dahil dito. Sa talumpati ng Pangulo, iginiit nito na…

Read More

‘PAGBABA NG INFLATION RATE NUMERO LANG’

inflation 1

(NI BERNARD TAGUINOD) NUMERO lang ang bumaba na inflation rate dahil ramdam na ramdam pa rin ng mamamayan ang magtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko. Reaksyon ito ng mga militanteng mambabatas matapos maitala ang 3.9% na inflation rate noong Pebrero o bahagyang pagbaba ng .1% mula sa 3.8% na nairekord noong Enero 2019. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, walang dapat ipagmalaki ang gobyerno sa 3.8% na inflation rate dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga gasolina, bigas, gulay, karne, pamasahe at maging…

Read More

BIR KAPOS NG P82-B SA TAX COLLECTION

bir1

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGALITAN ng chairman ng House committee on ways and means ang kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagdinig Martes ng hapon nang malaman na kinapos ang mga ito sa koleksyon sa buwis noong nakaraang taon kung saan nabigo ang mga ito na makolekta ang target sa excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law. Sa report ni BIR Assistant Commissioner for Collection Services Alfredo Misajon sa pagdinig na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing, sinabi nito na P1.961 trilyon lang ang…

Read More

PRESYO NG BILIHIN MATAAS PA RIN

foods

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang 5.1% na naitalang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2018 dahil halos kalahati pa rin ito sa 3.3% noong 2017 o bago ipinatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, walang dapat ikatuwa dahil naitala ang inflation rate na ito bago ipinatupad ang second tranche ng TRAIN Law na nadagdagan ng P2 ang bawat litro ng diesel at gasolina. “It is bound to get worse,…

Read More

TRAIN LAW SUSPENDEHIN – VILLANUEVA

(Ni NOEL ABUEL) Naghain ng panukalang batas ang isang mambabatas para pag-aralan ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang nasabing batas ay magdudulot ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo noong Enero ng taong kasalukuyan at magtutuloy-tuloy sa susunod na taon at sa taong 2020. Sa ilalim ng inihain nitong Senate Bill No. 2014, nais nitong harangin ang pagpapatupad ng dagdag buwis sa produktong petrolyo. “It is unfortunate that our economic managers…

Read More