BANAT NI POE, SINANGGA NG DOTr

grace55

(NI KEVIN COLLANTES) INALMAHAN ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, ang mga akusasyon ni Senador Grace Poe na lumalala ang lagay  ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang kalatas, naglabas ng paglilinaw ang DOTr at sinabing hindi lumalala at sa halip ay unti-unting humuhusay ang kalagayan ng MRT-3 kumpara sa mga nakalipas na taon. Reaksyon ito ng DOTr, sa ginawang pagkuwestiyon ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, sa aniya’y lumalalang kondisyon ng MRT-3 sa kabila ng mga pagkumpuni sa…

Read More

LTFRB EXEC DIR JARDIN SINUSPINDE SA P4.8-M ‘SUHOL’

jardin123

(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa posisyon si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Samuel Jardin kasunod ng alegasyon ng korapsiyon laban sa kanya. Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ipinag-utos ni Tugade ang pagpapataw ng 90-day preventive suspensiyon laban kay Jardin nitong Miyerkoles, Abril 3, kasabay ng pagsasampa ng pormal na reklamo laban sa naturang opisyal. Nag-ugat ang suspensiyon at paghahain ng reklamo laban kay Jardin, sa alegasyong nag-solicit umano siya ng P4.8 milyong halaga ng pera kapalit ng pagpapasilidad…

Read More

RUTA NG TUTUBAN-MALOLOS TRAIN UUMPISAHAN NA

pnr15

(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan Biyernes ang puspusang konstruksiyon ng Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) Clark Railway Project, na siyang magdudugtong sa Tutuban, Manila at Malolos sa Bulacan. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa idinaos na groundbreaking ceremony ng naturang proyekto, na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), target nilang makumpleto ang konstruksiyon ng proyekto sa taong 2021. Sinabi ng DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang mas magiging mabilis at maginhawa na ang…

Read More