(NI JET D. ANTOLIN) TATLO katao na ang iniulat na namatay sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’ na nagdulot ng malakas na ulan sa magdamag sa region 5 at 8. Patuloy ang pagbaha, kawalan ng kuryente, hindi madaanang kalsada at pag-bakwit ng mga pamilya doon sa kabila ng pagbaba ng weather status ni ‘Usman’. Naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyo ilang oras matapos maglandfall ang mata nito sa Eastern Samar. Patay ang mag-anak – mag-asawa at anak – sa Barangay San Francisco, Legazpi City, Sabado ng alas-2 ng…
Read MoreTag: Usman
KANSELADONG FLIGHTS DAHIL KAY ‘USMAN’
ILANG flights ang kinansela Sabado ng umaga dahil sa patuloy na pagsama ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa ilang oras matapos humina ang bagyong ‘Usman’ at maging isang low pressure area (LPA) na lamang. Ayon sa Manila International Airport Authority, kinansela nila ang: PAL EXPRESS 2P 2921 Manila-Legazpi 2P 2922 Legazpi-Manila Cebgo DG 6111 Manila-Naga DG 6112 Naga-Manila DG 6009 Manila-Basco DG 6010 Basco-Manila DG 6117 Manila-Naga DG 6118 Naga-Manila Skyjet M8 816 Manila-Basco M8 817 Basco-Manila Nag landfall na sa Easteran Samar ang bagyo at ibinaba na…
Read More‘USMAN’ NAG-LANDFALL NA SA BORONGAN E. SAMAR
INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-landfall ng sentro ng bagyong ‘Usman’ sa bisinidad ng Borongan, Eastern Samar. Bago ang landfall, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 55kph at pagbugsong nasa 65kph.Nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number one (1) sa Northern Palawan, kasama na ang Calamian at Cuyo Groups of Islands, Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, pati na ang Ticao at Burias Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte,…
Read MoreSTRANDED KAY ‘USMAN’ HIGIT 17K NA
UMABOT na sa may 17,315 ang bilang ng pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa napipintong pananalasa ng bagyong ‘Usman’. Base sa inilabas na monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-11:00 ng umaga ,nasa 17,315 pasahero, 1,464 rolling cargoes, 116 vessels, at 24 motor banca, ang hindi pinayagan na makabiyahe sa iba’t ibang pantalan. Inaasahang tataas pa ang naturang bilang sa mga susunod na oras. Gayunman, tiniyak ng PCG, na papayagang makabiyahe ang mga sasakyang pandagat sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon. Nalaman na sa Bicol…
Read More‘USMAN’ BUMAGAL; APEKTADONG LUGAR LUMAWAK
(Ni FRANCIS ATALIA) LUMAWAK pa ang mga lugar na apektado ng bagyong Usman habang bumagal ang pagkilos nito pakanluran na may bilis na 10 kph. Inaasahang magla-landfall ang sama ng panaho sa Eastern Samar na huling namataan 420 km sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Nanatiling nakataas ang tropical cyclone signal number 1 sa Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, kasama ang Ticao at Burias Islands. pati na ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, kasama ang Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern…
Read More1,287 PASAHERO STRANDED KAY ‘USMAN’
UMAABOT sa kabuuang 1,287 pasahero ang hindi pinayagan na makabiyahe at stranded sa iba’t ibang daungan dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’, ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-8:00 ng umaga. Umabot naman sa 80 katao ang stranded sa Port of Maasin; 56 Liloan Port; 362 Port of San Ricardo; sa Southern Leyte, 69 naman ang stranded sa Port of Balwarteco; 55 Port of San Isidro; 105 sa Port of Jubasan sa Northern Samar habang nasa 205 naman sa Port of Calbayog sa Western Samar at 355 sa…
Read MoreRoRo BUS ‘DI PINA-BIYAHE DAHIL SA BAGYO
(Ni FRANCIS ATALIA) SINUSPINDE na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga RoRo bus dahil sa Bagyong ‘Usman’. Iniutos ni LTFRB Chairman Martin Delgra na huwag nang paalisin sa mga terminal ang mga RoRo bus lalo na yung bimibiyahe sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Sa weather bulletin ng Pagasa kaninang 11AM, bumagal ang kilos ng bagyo habang papalapit sa Eastern Samar na huling namataan sa 450 kilometers East ng Surigao City, Surigao Del Norte. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa…
Read MoreBAGYONG ‘USMAN’ NAKAPASOK NA SA BANSA
NAKAPASOK na ang bagyong si ‘Usman’ sa Philippine Area of Responsibility. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang low pressure area (LPA) ay ganap nang naging tropical cyclone bago ito nakapasok ng PAR. Huling namataan si ‘Usman’ sa 945 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso ng hanggang 60kph, dagdag pa ng Pagasa. Si ‘Usman’ ay sinasabing lalakas pa bago mag landfall sa Eastern Samar sa Biyernes, December 28. Makararanas naman ng…
Read More