HINDI pa batid ng pulisya ang motibo ng dinampot na suspect sa pambobomba ng mall sa Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon ngunit malaki umano ang posibilidad na manggugulo na naman ito sa isinagawang peace rally ng Bangsamoro Organic Law. Si Datu Muhaliden Usman, ng Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City ay dinampot kasabay ng Peace Assembly for the Ratification ng BOL sa Shariff Kabunsuan Complex Bangsamoro Palace sa Cotabato City. Ang okasyon ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Usman ay nakunan ng CCTV na umano’y naglagay ng bomba…
Read MoreTag: Usman
PONDO SA ROAD BOARD ‘DI PWEDE SA ‘USMAN’ VICTIMS
(NI NOEL ABUEL) LABAG sa batas ang planong gamitin ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad partikular sa mga biktima ng landslide sa Camarines Sur ang nasa P43 bilyong pondo ng Road Board. Ito ang ipinaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan malinaw umano ang probisyon sa batas kaugnay sa Road User’s Tax. Maaari lamang umanong gamitin ang nakolektang pondo sa registration ng mga sasakyan sa panganglaga at pagsasaayos ng mga kalsada, road safety at signages. “Sa ngayon, hindi magagamit ng Pangulo ‘yan, dahil specific ang batas sa Road User’s Tax.…
Read More‘USMAN’ NAG-IWAN NG P2-B PINSALA
TINATAYA sa P2 bilyon ang napinsala ng bagyong ‘Usman’ kung saan umaabot sa 126 katao ang nasawi at 60 ang sugatan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Umaabot naman sa 140,105 pamilya o 624,236 indibidwal – sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas Region – ang apektado ni ‘Usman’ kung saan 13,135 pamilya ang nasa evacuation center at 22,633 pa ang nasa ibang kalinga. Pininsala rin ni ‘Usman’ ang 6,005 bahay at sumira ng 114 kalsada at tatlong tulay. Sa mga apektadong tulay at kalsada, 87 nang…
Read MoreDTI NAKAMONITOR SA PAGTAAS NG BILIHIN
WALANG inaasahang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong ‘Usman’, partikular sa Eastern at Visayas, at Bicol Region, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na agad silang nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga apektadong lugar upang mabatid kung may mga negosyanteng nananamantala pa ng mga nabiktima ng kalamidad. Nagbabala rin ang ahensiya sa mga mahuhuling nagtaas ng bilihin. Sinabi rin ni Lopez na walang dahilan para mag-panic ang mga mamimili dahil…
Read More105 NA PATAY KAY ‘USMAN’ SA BICOL
UMAABOT na sa 105 at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga bangkay na nakuha sa mga pagguho at pagbaha habang 20 ang iniulat na nawawala,ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol. Nagpapatuloy naman ngayon ang retrieval operations sa 16 iba pa na natabunan sa barangay Patitinan. Sa Tiwi, Albay, umaabot sa 14 bangkay ang kinilala habang tatlo pa ang nawawala. Labing isa naman ang bangkay na nakilala na sa Buhi, Camarines Sur habang umaabot sa 12 ang bilang ng mga biktima. MASS BURIAL Noong Miyerkules ay…
Read More6 TULAY SA ISABELA ‘DI PA RIN MADAANAN
HINDI pa rin madaanan ang anim na tulay sa lalawigan ng Isabela. Ayon sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela, ang mga apektadong tulay ay ang Sto. Tomas Bridge sa Cansan, Sta Maria Bridge, Alicaocao Bridge sa Cauayan at Annafunan Bridge sa Echague. Nasira naman ang Baculud Bridge sa Cauayan City at Turod Banquero Bridge sa Reina Mercedes kaya hindi pa rin madaanan. Ang iba pang mga tulay sa mga bayan sa Isabela ay passable na sa lahat ng uri ng sasakyan. 468
Read MoreNATABUNANG KAPILYA HUHUKAYIN SA CAMSUR LANDSLIDE
(NI JESSE KABEL) INAASAHANG lolobo pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pananalasa ng bagyong ‘Usman’ sa Pilipinas dahil target nang pasukin ng iba’t ibang search and retrieval team ang mga isolated na lugar kabilang sa target ang lokasyon ng isang kapilya na ginawang evacuation areas subalit sinasabing natabunan din ng landslides sa Camarines Sur. Kahapon sa official tally ng Death Matrix ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umakyat na sa 85 ang bilang ng mga nasawi. Ayon kay National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC)…
Read MorePINSALA NI ‘USMAN’ SA AGRIKULTURA P300-M
NAG-IWAN ng halos P300 milyong pinsala sa agrikultura ang pananalasa ng Bagyong Usman. Ayon sa report ng Department of Agriculture (DA), labis na naapektuhan ang mga stock ng bigas na pumalo sa P266.98 million kung saan 9,622 rice farmers ang naperwisyo mula sa mga probinsiya ng Quezon, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, at Samar. Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), sa kabuuan, 13,862 ektarya ng agricultural areas ang napinsala ng bagyo kung saan apektado ang 11,231 na mga magsasaka. Tinatayang nasa P299.44 million…
Read More71 NA PATAY KAY ‘USMAN’
NASA 71 katao na ang patay habang 17 pa ang nawawala at 12 ang sugatan dahil sa bagyong ‘Usman’ ayon sa pinakahuling report ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).Kagabi ng alas-6:00, nasa 30,469 pamilya o 128,982 katao ang apektado ni ‘Usman’ sa 321 barangay sa Calabarzon, Mimaropa at Region V atVIII. Sa mga bilang na ito, 3619 pamilya o 14,144 katao ang nasa 112 evacuation centers. Umaabot naman sa 92 kalsada at tatlong tulay sa Mimaropa at Region V,VI at VIII ang apektado. Ngunit sa bilang na ito,…
Read More