‘PASAWAY’ NA VICE MAYOR BUMANAT KAY AÑO: TALISAY RESIDENTS MAMAMATAY SA TOTAL LOCKDOWN

Vice Mayor Charlie Natanauan Sr

MULING humirit si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan Sr. hinggil sa ipinatutupad na total lockdown sa 11 bayan sa nasabing lalawigan na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa pagkakataong ito,  si DILG Secretary Eduardo Año naman ang kanyang kinuwestyon. Sa text message na ipinadala ni Natanauan, tatlong katanungan ang ipinasasagot nito kay Año. Unang tanong nito ay kung hanggang kailan ipatutupad ang total lockdown kasama na ang kanilang bayan ng Talisay. Aniya,  kung magtatagal ito, tuluyan nang mamamatay ang kanilang mga alagang hayop na naiwan sa kani-kanilang iniwang…

Read More