(NI DANG SAMSON-GARCIA) KAHIT sa pagpasok ng mga bagong senador, nananatili pa rin si Senador Cynthia Villar bilang pinakamayaman na miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Sa updated Statement of Asset of Liabilities and Networth (SALN), as of June 2019, naitala ang networth ni Villar sa P3.534 bilyon. Mababa ito kumpara sa kanyang networth hanggang noong Disyembre 2018 na P3.719 bilyon. Nasa ikalawang pwesto ng pinakamayaman na senador si Senador Manny Pacquiao na may P3.005 bilyon na networth. Bukod kina Villar at Pacquiao, wala nang ibang senador na umabot…
Read MoreTag: villar
MARAWI SURVIVOR, 3 PANG OFW NA MINALTRATO, INAYUDAHAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) APAT na Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang survivor ng Marawi siege na nakaranas ng pangmamaltrato sa ibayong dagat ang pinagkalooban ng livelihood assistance ni Senador Cynthia Villar. Bukod as financial assistance sa ilalim ng programa ni Villar para sa mga napapauwing OFWs na biktima ng pangmamaltrato, nagbigay ang senador ng start up kit para sa sari-sari store. “With this assistance, we hope to be able to help our kababayan to start anew as they recover from the physical and emotional abuse their employers inflicted on them…
Read MoreVILLAR SA SUGAR REGULATORY ADMIN: DAPAT BARILIN KAYO SA LUNETA!
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING nag-init ang ulo ni Senador Cynthia Villar nang mabatid ang isyu ng underspending sa implementasyon ng Sugarcane Industry Development Act (SIDA). Sa gitna ito ng pagdinig ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang budget ng Department of Agriculture (DA) at mga attached agencies nito para sa 2020. “Dapat barilin kayo sa Luneta,” inis na pahayag ni Villar sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration. Iginiit ni Villar na dahil sa underspending, mula P2 billion, ibinaba sa P500 million ang pondo para sa SIDA sa susunod na taon.…
Read MoreDISMAYADO SA DOH; P2-M PONDO SA SANITARY TOILETS ‘DI SAPAT — VILLAR
(NI DANG SAMSON-GARCIA) DISMAYADO si Senador Cynthia Villar sa maliit na budget na inilaan ng Department of Health (DOH) para sa ‘open defecation.’ Sa Senate subcommittee hearing sa panukalang P160.15 billion budget ng DOH sa 2020, iginiit ni Villar na hindi sapat ang P2 million allocation sa pagpapagawa ng sanitary toilets sa ilalim ng Environmental and Occupational Health para matugunan ang suliranin sa open defecation. Sinabi pa ni Villar na base sa pagtaya, dahil sa may 3.5 milyong Pilipino ang gumagawa ng ‘open defecation’ sa Metro Manila, may 700,000 households…
Read MoreP28B RICE SUBSIDY NG 4Ps IPAGAGAMIT SA FARMERS
(NI NOEL ABUEL) DAPAT nang gamitin ng pamahalaan ang P28 bilyon pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para ipambili ng bigas sa mga magsasaka. Ito ang panawagan ni Senador Cynthia Villar sa Department of Social Welfare Development (DSWD) kung saan dapat aniyang ikonsidera na bigyan ng bigas ang mga benepisyaryo ng 4Ps para makatulong sa suliranin ng mga magsasaka. Paliwanag pa ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, maliban sa health and education grants, may karapatan umano ang mga 4Ps household-beneficiaries na makatanggap ng 20 kilo ng bigas…
Read MoreVILLAR BIG WINNER SA PAGMASAKER SA MAGSASAKA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong panalo sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ito ay walang iba kundi si Senate Agriculture committee chairperson Senador Cynthia Villar na siyang sponsor sa nasabing batas. Ito ang alegasyon ng mga magsasaka na sumugod sa Batasan Pambansa nitong Lunes upang hilingin sa mga kongresista na ibasura na ang nasabing batas dahil minasaker nito ang mga local na magsasaka. “The biggest winner of the law’s implementation is Senator Cynthia Villar, the sponsor of the law and the chair of the Senate Committee on…
Read MoreVILLAR KINASTIGO; KALAKARAN SA NFA ‘DI ALAM
(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Senador Cynthia Villar matapos pag-initan nito ang apat na milyong sako ng bigas na hindi umano inilalabas ng National Food Authority (NFA). Ayon sa mambabatas, inalisan ni Villar ng poder ang NFA bilang regulatory body at hindi na rin pinagbebenta ang mga ito ng bigas subalit ngayon ay nagtataka ang mga ito na walang magawa ang ahensya sa mataas na presyo pa rin ng bigas. “The very essence of the law is to get rid of NFA, as the…
Read MoreVILLAR PIKON SA NFA: 4-M SAKO NG BIGAS NAKAIMBAK LANG
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING uminit ang ulo ni Senador Cynthia Villar sa National Food Authority (NFA) sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa epekto ng Rice Tariffication sa mga lokal na magsasaka. Unang nagtaas ng boses ang senador nang mapadako ang usapin sa dami ng mga imported rice na nakaimbak sa warehouses ng NFA. Kinumpirma ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na may apat na milyong bags pa ng imported na bigas ang nakaimbak sa kanilang warehouses. “Ang problema nyo dapat buy and sell. Kasama kayo…
Read MorePAGBABA NG PRESYO SA PALAY KINONTRA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINONTRA ni Senador Cynthia Villar ang pangamba na posibleng bumaba sa P7 kada kilo ang bilihan ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaha ng imported na bigas kasunod ng implementasyon ng Rice Tariffication Law. “Paano naman babagsak ng P7, eh sa Vietnam P6 tataripahan ng P8 o P9…Paano naman babagsak eh pag bumagsak ang Vietnam rice P20 kada kilo. False info na yun,” saad ni Villar. Kasabay nito, kinumpirma ni Villar na sa unang anim na buwan ng taon, may koleksyon na ang Department…
Read More