(NI HARVEY PEREZ) MAY 266 preso sa Manila City Jail (MCJ), ang nakaboto sa inilagay na special polling precinct ng Commission on Elections (Comelec) sa ginanap na midterm elections, Lunes ng umaga. Ganap na alas 8:30 nang magsimula ang pagboto ng mga inmates at natapos ala 1:30 ng hapon sa Chapel ng MCJ. Ang mga nakabotong inmates ay iyong mga nakapagparehistro sa itinakdang registration period ng Comelec noong nakalipas na taon. Ayon kay JCapt Jay Rex Bustanera, ang nabanggit na pagboto ng mga preso ay inobserbahan ng mga kinatawan ng…
Read More