(NI JG TUMBADO) UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon. Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame. Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad. Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot…
Read MoreTag: vote buying
COMELEC COMMISH DISMAYADO SA TALAMAK NA VOTE BUYING
(NI HARVEY PEREZ) NAGPAHAYAG ng sobrang pagka dismaya si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pinakamalalang mga insidente ng vote buying na naganap nitong midterm elections na idinaos nitong Lunes. Kasabay nito, naniniwala naman ang poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente), na dapat na panagutin ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto. Sinabi ni Guanzon, sa eleksiyon na ito ang pinakamalalang vote buying incident na kanyang nakita dahil ang bilihan ng boto ay kada pamilya na. “This is the worst vote buying – …
Read MoreHINDI PA GUILTY ANG MGA NAHULI SA VOTE BUYING – COMELEC
(NI NELSON S. BADILLA) TINIYAK ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na hindi awtomatikong lumabag ang mga nahuling indibidwal dahil sa pamimili at pagbebenta ng mga boto, krimeng paglabag ng Omnibus Election Code. Ani James Jimenez, iimbestigahan pa ang mga kasong inihain laban sa mga taong nahuli upang malaman kung totoong lumabag sila sa Artikulo 22 ng Omnibus Election Code o hindi. Sa piskalya pa lang ay tutukuyin na kung matibay, malakas at sapat o hindi ang mga ebidensya hinggil sa kasong inihain laban sa kanila, patuloy ni Jimenez.…
Read MoreVOTE BUYING MALAKING HAMON SA PNP
(NI JG TUMBADO) ANG malawakang vote buying sa bansa ang siyang pinakamatinding hamon na tinutugunan ng pambansang pulisya ngayong 2019 midterm elections. Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang press briefing sa Camp Crame, Lunes ng umaga sa unang oras ng pag-uumpisa ng botohan. Sinabi ni Albayalde, na nakapagtala na sila ng 79 na insidente ng vote buying kung saan 213 ang nadakip, at 10 pa ang pinaghahanap. Inilarawan ni Albayalde na “massive” o “kaliwa’t-kanan’ ang nagaganap na vote buying sa bansa.…
Read More60 HULI SA VOTE BUYING SA LOOB NG BRGY HALL
(TEKSTO/PHOTO BY KOI HIPOLITO) INARESTO ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRPO) at District Special Operation Unit (SPD-DSOU) ang 60 katao kabilang ang tatlong empleyado ng barangay nang maaktuhan ang mga itong iligal na namimili at nagbebenta ng kanilang mga boto sa loob mismo ng barangay hall ng Barangay San Isidro, No.2246 Marconi St., sa lungsod ng Makati, gabi ng Sabado. Nakilala ang walong suspek na bumibili ng boto ng kanilang mga ka-barangay na sina Karen May Matibag, barangay treasurer, Medlyn Joy Ong, barangay…
Read MoreCOMELEC DISMAYADO SA LUMOLOBONG KASO NG VOTE BUYING
(NI HARVEY PEREZ) DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa mataas na insidente ng vote buying activities nang magsimula ang campaign period para sa national and local elections. Ayon kay Comelec Education and Information director Frances Arabe marami ang naghahain ng mga reklamo pero wala naman umaong nahahatulan dito. Sinabi ng opisyal na ilang lugar sa bansa na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P20 lamang. Habang ilan naman umano ay aabot ng hanggang P15,000 ang binabayad sa mga botante kapalit ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.…
Read MoreP1-M ‘PAMBILI’ NG BOTO INABANDONA SA ZAMBO DEL SUR
HIGIT sa P1 milyong na sinasabing ipambibili ng boto ang natagpuang abandonado sa Barangay Dapiwak, bayan ng Dumingag town sa Zamboaga del Sur. Nakalagay ang P1.056 milyon sa isang paper bag sa tabi ng abandonadong bahay bago magtanghali nitong Sabado. Sinabi sa report na isang hindi nagpakilalang phone caller ang nagpaabot hinggil sa mga umaaligid na kalalakihan sa lugar bandang alas-9 ng umaga, ayon kay 1st Lt. Abner Pilando, commander ng Alpha Company. Sinabi pa ng caller na ginugulo umano sila ng mga armadong kalalakihan dahilan para humingi na sila…
Read MoreKASO NG VOTE BUYING UMAKYAT; BILANG NG KARAHASAN BUMABA
(NI JG TUMBADO) MAS tinutuunan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pinaigting na pagmomonitor sa lumalaganap na vote buying sa buong kapuluan kaugnay sa May 13 midterm national elections. Ito ay kasunod ng pagbaba ng insidente ng karahasan at tumaas naman ang bilang ng pamimili ng boto. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Bernard Banac, naitala ang 32 kaso ng pre-election violence ngayong taon na malaking pagbaba kumpara sa 106 noong 2016 elections. Habang noong 2013 ay 94 ang kaso ng karahasan na may kinalaman sa…
Read More105 TEAMS VS VOTE BUYING NAKAANTABAY – PNP
(NI FRANCIS SORIANO) UMAABOT na sa 105 teams na pinagsamang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) , Special Action Force (SAF), Intelligence Group (IG), at reserved force ng Philippine National Police ang sasabak sa eleksiyon matapos mapaulat ang talamak na pamimili ng mga boto ng mga tumatakbong politiko sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon kay PNP Directorate for Operations, MGen. Mao Aplasca, bawat teams ay binubuo ng walo hanggang 10 pulis na siyang magbabantay at aaresto sa mga namimili ng boto, bilang tugon sa inilabas na kautusan ng Commission on Elections (Comelec) para masawata ang…
Read More