ALL OUT WAR VS VAPE, UMPISA NA 

(NI JG TUMBADO) HUHULIHIN na ng pulisya ang sino mang maaaktuhang gumagamit ng vape at e-cigarettes sa pampublikong lugar sa buong bansa. Ito ay alinsunod sa kautusan na ipinalabas ng pamunuan ng pambansang pulisya sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng vape cigarettes sa buong kapuluan. Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, naglabas na ng kautusan ngayong Miyerkoles si PNP Officer in charge Lt. General Archie Gamboa, kung saan inaatasan ang lahat ng police personnel sa buong bansa na…

Read More

PINOY SA LIBYA AYAW UMUWI DAHIL SA DELAYED NA SAHOD

libya120

(NI ROSE PULGAR) DELAYED na suweldo ang nagiging dahilan ng ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya  kung bakit ayaw pa nilang umuwi ng Pilipinas sa kabila na itinaas  sa Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon at pilit nang pinauuwi ang mga ito dahil sa tuminding kaguluhan sa nabanggit na bansa. “Nagsusuweldo sila (OFWs) pero dahil may mga restrictions sa remittance hindi nila naipadadala ang kanilang mga pera. Marami-rami ang nagsasabing gusto nilang umuwi pero uuwi lang sila ‘pag nabayaran na sila,”  pahayag ni  Philippine Ambassador Elmer Cato. Sinabi…

Read More

LIGTAS NA PAGLIKAS NG OFWs SA LIBYA PINATITIYAK

libya26

(NI NOEL ABUEL) PINATITIYAK sa Senado sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwing ligtas sa Pilipinas ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa gulong nangyayari sa Libya. Ayon kay Senador Sonny Angara, kailangan siguruhin ng mga ahensya ng pamahalaan na maibibigay ang lahat ng tulong sa mga ililikas na manggagawang Filipino sa naturang bansa. Kasabay nito umapela rin ang senador sa mga OFWs na sumunod sa utos ng mga opisyales ng DFA para masigurong walang mangyayaring aberya sa paglilikas sa mga ito. “We are appealing to…

Read More

PINOY SA TRIPOLI PINAUUWI NA SA PINAS

tripolo12

HINIMOK ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa loob ng 100-kilometer radius ng Tripoli na umuwi na ng Pilipinas sa harap ng tumataas na tensiyon malapit sa sentro ng Libya. Sa statement na inisyu nitong Lunes, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na hinihimok niya ang mga kababayan doon na pag-aralan ang pag-uwi na lamang dahil sa umiinit na labanan malapit sa kapital ng Libya. Tiniyak naman ni Cato na tutulungan nila ang mga Pinoy na gusto nang umuwi ng bansa. Gayunman, ang mga magpapaiwan…

Read More