BI: WALANG BUKAS NA TRABAHO SA LIBYA

libya21

(NI ROSE PULGAR) MAHIGPIT na paalala kahapon  ng Bureau of Immigration sa mga Pinoy na huwag tanggapin ang alok ng mga illegal recruiters na trabaho sa UAE, partikular sa magulong bansa tulad ng Libya. Ang panawagan ng immigration ay kasunod na rin ng pagkakaharang sa apat na Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagpanggap bilang turista at papasok sa Abu Dhabi sa UAE bago tutuloy ng Libya para magtrabaho. Ayon kay BI-NAIA Port Operation Division chief Grifton Medina double ang kanilang ipinatutupad na paghihigpit sa paliparan…

Read More

PINOY SA LIBYA EXPLOSION, LIGTAS — DFA

DAF12

(NI ROSE PULGAR) INIULAT ngayong Lunes ng Embahada ng Pilipinas sa Libya sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino na nadamay kung saan dalawang staff members ng United Nation Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi at ilan ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang car bomb sa shopping mall sa Hawari District ng Benghazi. Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng Embahada sa Libya ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)  matapos maganap ang car bomb explosion. Ayon kay Ambassador Elmer Cato, ang car…

Read More

3 PINOY ENGINEERS NA DINUKOT SA LIBYA, NAKAUWI NA

libya21

NAKABALIK na sa bansa nitong Sabado ang tatlong Filipino engineers na nailigtas matapos dukutin sa Libya noong nakaraang taon. Personal na sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang tatlong overseas Filipino workers (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport, kasama ang mga pamilya ng tatlong engineer. Sinagot ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang gastos sa pagpapauwi sa mga Pinoy na dinukot noong Hulyo 2018. Kasama ang isang South Korean, dinukot ang tatlong Pinoy sa project site ng Great Man-Made River Project sa katimugang bahagi…

Read More

3 DINUKOT NA PINOY SA LIBYA PINALAYA

libya26

TATLONG Filipino civil engineers at isang South Korean na kasamahan ng mga ito na dinukot noong Hulyo ng nakaraang taon ang pinalaya na at dinala sa United Arab Emirates, ayon sa UAE foreign ministry nitong Biyernes. Sinabi sa report na ang mga engineer na dinukot ng hindi kilalang armadong grupo ay pinalaya sa tulong ng Abu Dhabi at military strongman Khalifa Haftar’s Libyan National Army. Nakatakda na umanong pauwiin ang mga pinalaya sa kani-kanilang mga bansa ngunit hindi nagbigay ng petsa o iba pang detalye. Sinabi na ang apat na…

Read More

PASSPORT NG PASAWAY NA PINOY SA LIBYA KAKANSELAHIN

bello12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na sagupaan sa civil war sa Libya at sumailalim na sa alert level 4, tiniyak ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mapauuwi ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Binalaan din ang mga ito na ang hindi susunod sa kautusan ay haharap sa  kanselasyon ng mga pasaporte. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, katuwang nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpapatupad at pagmomonitor ng sitwasyon sa Libya sa lahat ng mga OFWs doon para sa kanilang kaligtasan. Dagdag pa nito,  kapag…

Read More

SITWASYON NG OFW SA LIBYA KONTROLADO NG PALASYO

libya26

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na kontrolado nila ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Libya sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Tripoli. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, may ibinigay nang direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III tungkol sa usapin. Sa ngayon ay patuloy umano ang panawagan ng Philippine Embassy sa mga Filipino sa Libya na magsiuwi na sa bansa. Siniguro rin ni Panelo ang kaligtasan ng mga OFW sa Libya, maging ang sapat na ayuda ng pamahalaan para sa…

Read More

LOCSIN UMAPELA SA PINOY WORKERS SA LIBYA

dfalocsin12

(NI MAC CABREROS) “PLEASE go to the embassy, I beg you,” apela Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kababayan sa Libya na patuloy na nagmamatigas na huwag umuwi ng bansa dahil sa kawalan ng trabaho. Ginawa ito ni Locsin base na rin sa rekomendasyon ni Ambassador Elmer Cato bunsod nang patuloy na bakbakan ng magkalabang puwersa sa nasabing bansa. Partikular na pinalilikas ni Locsin sa lalong madaling panahon ang 60 manggagawa, sampu ng kanilang kapamilya na nasa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea. “The area is no longer safe.…

Read More

FORCED EVACUATION ‘DI KAILANGAN

libya26

(NI BETH JULIAN) NASA pasya na umano ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Libya kung uuwi sila sa Pilipinas o hindi. Ito ang pahayag ng Malacanang kasabay ng anunsyo na wala pang ipatutupad na force evacuation para sa mga Filipino na nasa Libya. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kahit na naglabas na ng panawagan si Charge d’ Affaires Elmer Cato sa mga Filipino na may kamag -anak na OFW sa Libya na kumbinsihin na umuwi na ng Pilipinas, ikinokonsidera pa rin nila ang sariling desisyon ng mga ito.…

Read More

DFA CONTINGENCY TEAMS IPINADALA NA SA LIBYA

libya12

(NI ROSE PULGAR) NAGPADALA na ng contingency team ang Department of Foreign  Affairs (DFA) sa bansang Libya upang saklolohan ang mga Pinoy doon na naipit sa giyera makaraang itaas sa alert level 3 ng Embahada ng Pilipinas ang kaguluhan sa Tripoli. Ayon sa DFA, dalawang team ang kanilang ipinadala sa Libya at ang una ay  pinangunahan ni Executive Director  Enrico Co,  ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) na dumating noong Sabado  sa Libya. Ang ikalawang team ay pinangunahan naman ni Director Irish Arivas, na dumating naman Lunes ng hapon. Nabatid pa sa DFA na sa  ngayon…

Read More