ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NORMAL NA PERO SUPPLY ‘DI SAPAT

angatdam12

(NI LILY REYES) SA kabila ng patuloy  na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyo at habagat ay hindi pa rin umano sapat ang supply  ng tubig ng Angat Dam para sa buong Metro Manila. Ayon kay National Water Resources Board Executives Director Sevillo David Jr., nasa 183.03 meters na ang lebel ng tubig ng Angat Dam bandang ala-6:00, Martes ng  umaga o mas mataas sa normal na operasyon na 180 meters ngunit mas mababa sa operasyon nito na 212 meters. Sinabing ang distribusyon ng tubig na 40 cubic meters per second…

Read More

RASYON NG TUBIG SA METRO INIHAHANDA

mmda12

(NI ROSE PULGAR) DAHIL sa patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, tinalakay nitong Huwebes ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) at iba pang concerned agencies at water concessionaires ang mga paghahanda dahil sa lalo pang pagnipis ng suplay ng tubig. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent MMDRRMC Chairman Danilo Lim na kinakailangan ang maigting na paghahanda lalo na kapag humina na ang suplay ng tubig na mula sa mga water concessionaires sa mga susunod na linggo. “Dapat ay maging…

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES) PATULOY pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa kabila ng pagdeklara ng Pagasa ng pagpasok ng tag-ulan. Ayon kay Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), batay sa huling monitoring noong Linggo ay nasa 162.39 meters ang water level sa Angat dam. Tinataya pa ng NWRB na umaabot ng 160 meters ang antas ng tubig sa ikatlong linggo ng Hunyo dahil sa tinatawag na monsoon break o pansamantalang pagtigil ng pag-ulan. Kasabay nito, nagbabala si…

Read More

MASTERPLAN SA SAPAT NA TUBIG KINATIGAN SA KAMARA

water supply12

(NI ABBY MENDOZA) KINATIGAN ng House of Representatives ang resolusyong inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para magtatag ang  Metropolitan Waterworks and Sewerage System at iba pang ahensya ng masterplan para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig. Sa adopted House Resolution 2593, ipatutupad ang masterplan para sa mga tahanan, commercial establishments at industrial use sa Metro Manila na maaaring gayahin sa ibang bahagi ng bansa. Layon ng nasabing hakbang na masiguro na agad matutugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig at paraan din para labanan ang negatibong epekto ng…

Read More

PROBLEMA ULIT SA TUBIG NAKAUMANG SA METRO

angatdam12

(NI ABBY MENDOZA) NGAYON pa lamang ay inaabisuhan na ng  National Water Resources Board (NWRB) ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig at ugaliin din ang pag-iipon sa harap na rin ng inaasahang pagbaba sa critical level ng tubig sa Angat Dam. Ayon sa NWRB bago matapos ang buwan  ng Abril ay bababa ang antas ng tubig sa Angat Dam at kapag nangyari ito ay  apektado ang magiging supply ng tubig sa Metro Manila. Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David na 96 porsiyento ng supply ng…

Read More

RED CROSS NAKAPAGDELIBER NG 1-M LITRONG TUBIG SA MM 

red cross12

(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit isang milyong litrong tubig ang naisuplay nila sa anim na pagamutan sa Metro Manila na naapektuhan ng water shortage o kakulangan sa tubig kamakailan. Sa isang kalatas, sinabi ng PRC, na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, hanggang nitong Marso 18 ay nakapaghatid  sila ng 1,033,000 litro ng malinis at ligtas na tubig sa tinatayang may 43,000 indibidwal mula sa Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Mandaluyong City Medical Center, at…

Read More