P882-M PEKENG YOSI NASABAT SA CDO

fake yosi

CAGAYAN de Oro City – Nakumpiska ng pinagsanib na mga operatiba ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang P882 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo nitong Enero 21 sa lungsod na ito. Gayunman, hindi nahuli ng mga tauhan ng BIR at NBI ang mga may-ari ng mga sigarilyong nakalagay sa 5,000 kahon. Ang nasabing operasyon ay patunay na nananatiling talamak ang ilegal na pagnenegosyo ng sigarilyo at kapalpakan ng BIR at NBI na mahuli ang mga negosyanteng gumagawa nito. Ang operasyon ay batay sa…

Read More

MULTA SA MAGBEBENTA NG YOSI, ALAK SA MINORS

yosi

SAKALING maisabatas ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, pagmumultahin ng P500,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinomang mapatutunayan na nagbebenta ng sigarilyo, alak at vape products sa menor de edad. Sa pahayag, sinabi ni Recto na nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1208 na kikilalanin bilang Protection of Minors from Sin Products Act, upang protektahan pa ang mga bata sa hazards ng alcohol at produktong tabako kabilang ang vapor products. Ayon kay Recto, kahit may umiiral na batas tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003 at…

Read More

YOSI, ALAK, VAPE MAY DAGDAG BUWIS NA  

(NI ESTONG REYES) INAPRUBAHAN ng   Bicameral Conference Committee ang panukalang dagdagan muli ng panibagong buwis ang sigarilyo, alak at e-cigarette o vape upang makakalap ng sapat ng pondo ang pamahalaan para sa Universal Health Care (UHC). Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on ways and means; at Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na nagkasundo ang dalawang kapulungan na dagdagan muli ang buwis sa naturang produkto matapos ang mahabang diskusyon na ginanap sa Senado. Anila, nagkasundo ang bicam …

Read More

PER STICK NA BENTAHAN NG YOSI, IPABA-BAN NG DOH

yosi12

(NI DAHLIA S. ANIN) UPANG hindi na mahikayat pa ang mga Pilipino na magsigarilyo, hinihimok ng Department of Health na i-ban ang pagbebenta nito per stick. Ang nasabing hakbang ng ahensya ay bilang pagtugon sa rekomendasyon ng United Nations Interagency Task Force on Prevention of Non-Communicable Disease. Ayon kay DoH Spokesperson Eric Domingo, “Sa mga ibang bansa, ginawa na yan. Talagang bawal bumili ng tingi-tingi, kundi dapat isang pakete kasi nga mas mahal ito at mas mahirap pa bilhin ng mga bata.” Tinitingnan na rin ng ahensya ang pagtataas ng…

Read More

NAGYOYOSI SA BAWAL NA LUGAR PINAKAMARAMI SA MM

ncrpo22

(NI NICK ECHEVARRIA) HALOS umabot na sa 1,200,000 na mga pasaway ang inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa Kalakhang Maynila. Sa ipinalabas na datos ni P/MGen. Guillermo Eleazar, Director ng NCRPO, nasa kabuuang 1,191,090 na mga lumabag ang nadakip simula June 13, 2018 hanggang nitong July 5 sa Metro Manila. Sa mga nadakip na pasaway ang mga lumabag sa smoking ban ang may pinakamalaking bilang na naitala na 277,048 katumbas ng 23.26 percent ng kabuuang bilang. Sinundan ito…

Read More

P7-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA KARAGATAN NG ZAMBO

SMUGGLED YOSI-2

(Ni Joel O. Amongo) Muli na namang nakasabat ng aabot sa pitong milyong pisong halaga ng smuggled yosi ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Enforcement Security Service (BOC-ESS), Philippine Navy (PN) at Philippine National Police (PNP) sa karagatan ng Zamboanga City ka­makailan. Ayon sa report, noong Hunyo 25, dakong alas-11:00 ng gabi nakatanggap ng confidential information sa pamamagitan ng text message mula sa isang concerned citizen na nagsasabing may “jungkung” o lantsa na may pangalang MB AZEEZ mula sa Pa­nguturan, Sulu na puno ng smuggled sigarilyo…

Read More

PAGPASA SA SIN TAX MAMADALIIN SA SENADO

sin tax law12

(NI NOEL ABUEL) BABRASUHIN ng Senado ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong dagdagan ang nakokolektang buwis sa alak at sigarilyo bago pa man matapos ang 17th  Congress ngayong buwan. Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, ngayon Lunes isasagawa ang pagdinig sa nasabing panukalang batas para maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa at tuluyang ipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kumpiyansa naman si Drilon na sasang-ayunan ng mga Kongresista ang bersyon ng Senado upang agad na maihabol bago pa matapos ang 17th  Congress at pagbubukas ng 18th Congress. “Sa Lunes…

Read More

MAGBEBENTA NG YOSI MALAPIT SA ISKUL HUHULIHIN — MMDA

mmda12

(NI DAVE MEDINA) MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  sa bentahan ng sigarilyo ng mga tindahan malapit sa mga eskwelahan. Ayon kay MMDA chairDanny Lim, sa muling pagsisimula ng mga klase sa Lunes ay magiging abala ang kanyang mga tauhan sa pagpapatupad ng kanilang mandato kabilang ang pagtiyak na nasusunod ang mga batas laban sa paninigarilyo at pagbebenta nito lalo sa mga pampublikong lugar. Naaayon din, aniya, ang kanilang gagawing pagpapasunod sa batas sa pagtiyak na magiging ligtas ang kalusugan ng mga mamamayan. Tiyakan ding magsasagawa umano sila ng…

Read More

EXCISE TAX SA YOSI URGENT BILL NI DU30

(NI BETH JULIAN) PINAL nang naratipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang urgent Senate bill na nagpapataw ng mataas na excise tax sa mga produkto ng tabako. Bagama’t wala pang inilabas na dokumento, kinumpirma naman ito ni Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Ryan Esteves kung saan sinertipikahan na ng Pangulo ang Senate Bill No. 2233, o “An Act Raising the Excise Tax on Tobacco Products and Amending For the Purpose Pertinent Sections of the National Revenue Code.” Kinumpirma rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nilagdaan na ng Pangulo ang certification of urgency…

Read More