LAGUNA – Isa na namang high-ranking official ng Communist Terrorist Group (CTG) New People’s Army ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Brgy. Burgos, sa bayan ng Pakil sa lalawigang ito, noong Sabado.
Kinilala ang arestado na si Vertudes Macapanpan y Gonzales alyas
“Lola Kits Tyan”, kabilang sa Southern Tagalog Regional Party Committee.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arnelo C. Mesa ng Regional Trial Court, Branch 65 ng Infanta, Quezon noong Mayo 23, 2008 at nirebisa noong Marso 4, 2013.
Ayon sa mga kasamahan niyang sumuko sa gobyerno, si Macapanpan ang responsable sa pagsasagawa ng arty courses at mass orientation na nagtuturo sa mga kabataan, estudyante at iba pang indigenous people sa bahagi ng Quezon upang sumapi sa Communist Terrorist Group.
Siya rin ang nagdala sa mga rally sa mga indigenous people mula sa General Nakar patungong Maynila noong 2012. (CYRILL QUILO)
