PINASINAYAAN nitong Huwebes ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center sa loob ng DOST compound, General Santos Ave., Bicutan, Taguig City.
Pinangunahan ni Senator-elect Alan Peter S. Cayetano ang groundbreaking ceremony na isa sa mga proyekto ng Dept. of Science and Technology at city gov’t.
Ang 5-storey building ay may basement at roof deck upang maorganisa ang transport system sa isang lugar para sa komportable at maginhawang lugar para sa mga commuter at pedestrian.
Makatutulong din ito upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa naturang bisinidad sa pamamagitan ng pag-aalis sa pila ng mga sasakyan sa daanan.
Sa kanyang pananalita, pinuri ni Cayetano ang mga taong nasa likod ng nasabing proyekto.
Aniya, sa agham ay walang administrasyon at oposisyon. At bilang senador, kung ano ang tama ay iyon ang kanyang susuportahan. At kung mali naman ay naroon pa rin siya para magsabi kung ano ang tamang gagawin.
