TANGKANG PAGPUSLIT NG DROGA SA NAIA NAPIGILAN NG BOC

NAPIGILAN ng Bureau of Customs ang tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Miyerkoles ng umaga.

Dalawang Pinay naman na pasaherong dumating mula sa Cambodia, ang naaresto sa operasyon ng BOC, na nakumpiskahan ng tinatayang 8,324 grams ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na inilagay sa mga improvised pouch na gawa sa carbon paper at packaging tape.

Itinago ito kasama ang mga produktong kape at iba pang gamit na inilagay sa dalawang bagahe.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang suspek habang ang kontrabando ay ipapasa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

(JOCELYN DOMENDEN)

115

Related posts

Leave a Comment