TANOD KRITIKAL KAY BAYAW

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 45-anyos na barangay tanod makaraang saksakin ng kanyang bayaw na nawala umano sa sarili sa San Andres Bukid, Manila noong Biyernes ng madaling araw.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Ospital ng Maynila dahil sa malalim na saksak ang biktimang si Dexter Masagca, may kinakasama, residente ng #2325 Zapiro St., San Andres Bukid.

Samantala, arestado sa follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 ang suspek na kinilalang si Allan Jalil Sabas, 34-anyos, ng naturan ding lugar.

Base sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng pulisya, napagtripan umano ang biktima ng kanyang bayaw habang ito ay nasa impluwensya ng alak.

Nabatid pa sa ulat na inambaan ng palo ng martilyo ni Sabas ang biktima ngunit hindi umano ito natinag hanggang sa atakehin na ito ng saksak.

Agad namang naawat ang suspek at dinala sa ospital ang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon, inihayag ng mga kaanak na may problema sa pag-iisip ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

197

Related posts

Leave a Comment