TINIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na muling makapagtatatag ng illegal online gaming activities ang dalawang Chinese nationals na naaresto ng Fugitive Search Unit sa Parañaque. Kinilala ang mga ito bilang sina Wu Huifu at Li Yong.
Ayon sa BI, may mga warrant of arrest ang dalawa mula sa Chinese authorities dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling platforms. Sangkot si Wu sa operasyon ng maraming overseas gambling websites na umabot sa kalahating milyong biktima at nakalikom ng higit 8.6 milyong Chinese yuan mula sa manipulasyon ng laro at pag-engganyo sa mga manlalaro, habang itinuturing namang kasabwat si Li.
Natuklasan ding nagtrabaho si Wu sa isang POGO company at hindi umalis ng bansa kahit ipinagbawal ang naturang industriya, dahilan para mailagay siya sa derogatory database ng immigration.
(JOCELYN DOMENDEN)
33
