HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga negosyante at may-ari ng lupa na samantalahin ang General Tax Amnesty ng lungsod at ang 20% diskwento sa maagang pagbabayad ng amilyar bago mag-Disyembre 10.
Ayon kay Moreno, layunin ng amnesty program na tulungan ang mga taxpayer na malinis ang kanilang rekord habang nakatutulong sa fiscal recovery ng lungsod.
Batay sa datos, umabot na sa P266 milyon ang nakolektang buwis mula nang ipatupad ang programa, kung saan nakatipid ang mga nag-avail ng halos P113 milyon sa multa at interes.
Ipinaalala ng alkalde na bukas pa ang amnesty hanggang Disyembre 31, 2025, at maaari ring magbayad online sa Go Manila platform para iwas pila.
Giit ni Moreno, ang tamang pagbabayad ng buwis ay “ambag sa pag-unlad ng Maynila.”
(JOCELYN DOMENDEN)
28
