TAX SA MAYAYAMAN TINAWAG NA KABALIWAN

TINAWAG na kabaliwan ni Senador Robin Padilla ang ipinapanukala ni Senador Sherwin Gatchalian na singilin ng dagdag na buwis ang mayayaman.’

Sinabi ni Padilla na bagama’t pangkaraniwang solusyon ang panukala sa problema sa koleksyon, hindi ito makatarungan sa gitna ng patong patong na krisis.

“Sa ngayon maituturing itong isang malaking kabaliwan dahil ang magdagdag ng tax sa gitna ng patong patong crisis na ito ay adding insult to injury. Saan daw kukunin ang tax sa kanila?” diin ni Padilla.

Iginiit ng senador na dapat malinaw kung saan kukunin sa mga super rich ang buwis dahil kadalasan ay nagreresulta ito sa cost cutting ng mga kumpanya na ang tinatamaan ay ang maliliit ding empleyado.

Ipinaliwanag ni Padilla na ang mga super rich ay may mga financial lawyers and advisers na nag-aaral at nagbibigay proteksyon sa kita ng kanilang mga kliyente at kumpanya.

Sa pamamagitan nito ay madali nilang napag-aaralan ang mga hakbangin upang matiyak na hindi maagrabyado sa mga batas.

Una nang inihayag ni Gatchalian na pinag-aaralan niya ang panukala na magpapataw ng dagdag na buwis sa mga mayayaman partikula sa mga tumatanggap ng mataas na dividendo at hindi lamang sahod.

Maging ang pagbili anya ng mga mamahaling gamit tulad ng luxury watches at bags ay maaari ring pag-aralang patawan ng dagdag na buwis. (DANG SAMSON-GARCIA)

109

Related posts

Leave a Comment