NAG-INIT ang Team USA sa second half at ibinaon ang 151-131 win laban sa Team World sa Rising Stars game, Sabado (Manila time) sa pagsisimula ng All-Star Weekend sa United Center sa Chicago.
Pinangunahan ni Golden State Warriors’ Eric Paschall ang Team USA. Siya ay may 23 points habang si New York Knicks’ RJ Barrett ay may game-high 27 points naman para sa Team World.
Iniwanan ng Team USA ang kalaban sa fourth period, kung saan hinayaan nilang magpalabas si forward Zion Williamson sa pamamagitan ng serye ng dunks. Tumapos ang rookie ng New Orleans Pelicans na may 14 points.
Tinanghal na MVP ng laro si Team USA’s Miles Bridges ng Charlotte Hornets, na may 20 points, five rebounds at five assists.
Nagtulung-tulong ang bench players ng Team USA para ma-outscore ang Team World, 44-24 sa third.
Si Dallas Mavaricks’ Luka Doncic ay nagpahabol ng half-court shot, dalawang segundo sa second quarter para sa 81-71 halftime lead ng Team World.
Ang nasabing kalamangan ng Team World ay unti-unting naubos hanggang makaabante ang Team USA.
Bago ang laro, ang mga manlalaro ay naglagay ng patches na natataglay ng numbers 2 at 24 at napapalibutan ng siyam na stars bilang pagbibigay-pugay kay NBA legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, pati na ang pito pang ibang kasama ng Lakers great sa helicopter crash noong Enero 26. (VT ROMANO)
