TELEMEDICINE SA NCR PALALAKASIN

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections.

Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities.

“Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos.

“Mahirap ma-overwhelm naman ang ating ospital. Dapat ang ating ospital ay doon lamang talaga sa mga nangangailangan nang husto,” dagdag na pahayag nito.

Upang mas lalong mapigilan ang pagkalat ng virus sa Kalakhang Maynila, inatasan ng Metro Manila Council ang mga unvaccinated na manatili sa kanilang bahay maliban kung bibili ng pagkain at serbisyo habang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Alert Level 3 na tatagal hanggang Enero 15. (CHRISTIAN DALE)

187

Related posts

Leave a Comment