THIRDY RUMESBAK KAY KIEFER

“I guess, he gets the last laugh.”

Ito ang inamin ni Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars matapos silang talunin ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ravena at ng San-En NeoPhoenix noong Linggo sa pagpapatuloy ng 2021-22 B.League season.

Kumamada si Thirdy ng 21 puntos, seven rebounds, five assists, kasama ang clutch three pointer para selyuhan ang 101-96 overtime win ng San-En kontra Shiga.

Nauna rito, noong Sabado ay naungusan ng Lakestars ang NeoPhoenix, 93-83, sa unang tapatan ng magkapatid sa Japanese league.

Nakapagtala si Kiefer ng 11 points at eight assists sa naturang panalo.

Unang pagkakataong naglaro sa B.League ang nakatatandang Ravena, habang nasa pangalawang season na ang mas nakababata sa magkapatid.

“It was a great game, a great weekend overall, and we’re just happy to be representing our teams and of course our country as well,” sabi ni Thirdy, ang buena-mano sa mga Pilipino hoopsters na naglalaro sa nasabing bansa.

Maliban sa magkapatid na Ravena, naglalaro na rin sa Japan sina: Kobe Paras (Niigata Albirex), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), Dwight Ramos (Toyoma Grouses), Ray Parks (Nagoya Diamond Dolphins), Kemark Carino (Aomori Wat’s), at Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z).

Maraming Pinoy basketball fans ang nag-enjoy sa tapatan ng Ravena brothers, na dalawang beses pang magpapaligsahan sa muling salpukan ng Shiga at San-En sa Hamamatsu Arena sa Enero 22 at 23.

143

Related posts

Leave a Comment