TIGIL-OPERASYON NG E-SABONG NAKAAPEKTO SA MGA BANGKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MAGING ang financial institutions ay apektado rin pala ng highly controversial shutdown ng online cockfighting o ­eSabong.

Ito’y matapos mabunyag na tinatayang P5 bilyon ang nasayang na potential revenue ng gobyerno ngayong taon.

Ang pondo pala mula sa mga larong katulad nito ay napupunta sa accredited banks tulad ng ­Philippine Business Bank (PBB) na nakipag-partner sa gaming centers.

Nagre-remit din kasi sila ng pera sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa ‘cut’ ng ahensya.

Ayon kay PBB President Roland Avante, kahit handa sila sa withdrawal ng pera ng malalaking kliyente, bilang financial institution ay talagang nararamdaman din nila ang epekto ng $1 ­billion industry shutdown.

Si Avante ay isang expert banker at mahigit 30 taon na ang karanasan sa industriya.

Habang natutulungan nila ang eSabong sa pagpapanatili ng kanilang operasyon, natutulungan naman nila ito sa pagpaparami ng kanilang mga sangay at nagpapataas din ng kanilang income.

Tinatrato nila ang eSabong clients na gaya ng iba pa nilang mga kliyente lalo pa’t nasa hanay sila ng negosyo na nakatutulong sa mga nangangailangan.

Umaasa si Avante na mabibigyan muli ng tsansa ang ­eSabong dahil nagdadala nga ito ng pondo sa pamahalaan.

“Everybody has to be given a second chance… As we all know, it is up… [to] the government to take a look at it [eSabong],” wika ni Avante.

Matatandaang malaki rin ang naging ambag ng eSabong sa gobyerno noong kasagsagan ng pandemya.

Bilyon-bilyon kasi ang naihahatid na buwis nito sa pamahalaan kada taon at nagpapadala rin ito noon ng tulong sa LGUs o local government units at maging sa mga may sakit.

“We are running an economy that needs all the funding that it can get especially now that we are still existing amid the pandemic and we all know that the funds needed by the government to be able to sustain its support to the people,” dagdag pa ni Avante.

Tinatayang aabot sa P7-P8 bilyon ang makukuhang buwis ng gobyerno mula sa eSabong.

Bago nagsara ang ­operasyon ng larong ito ngayong taon, aba’y nakapaghatid ito noon ng P650 ­milyon bawat buwan sa ­pamahalaan.

Kaya marami talaga ang nanghihinayang, kasama na ang bayang sabungero.

351

Related posts

Leave a Comment