TINAMAAN NG COVID-19 SA KAMARA, UMAKYAT NA SA 49

NADAGDAGAN pa ng dalawa ang COVID-19 cases sa mababang kapulungan ng Kongreso kaya umabot na sa 49 ang tinamaan dito ng nasabing virus na ikinamatay ng apat kabilang ang isang
kongresista.

Sa report kagabi ng tanggapan ni House Secretary General Jose Luis Montales, nadagdagan ng 2 ang kaso ng COVID-19 sa Kamara na kinabibilangan ng isang staff ng hindi pinangalanang
congressman at isa mula sa Plenary Support Service.

“Two (2) employees were reported today to have tested positive for COVID-19. The first is a Congressional staff who last reported for work on June 16. The second is from the Plenary Support
Service who last reported for work on Aug. 5,” ani Montales.

Kapwa asymptomatic umano ang dalawang nadagdag sa bilang ng COVID-19 cases sa mababang kapulungan na umaabot na sa 49 simula noong Marso.

Sa ngayon ay naka-home quarantine ang mga bagong biktima ng COVID-19 at nagsasagawa na ang Kapulungan ng contact tracing.

Kamakalawa ay naitala ang ika-47 kaso ng COVID-19 na nahawa sa isang Congressional staff na ika-46 na biktima ng virus matapos magkaroon ang dalawa ng close contact.

Magugunita na 5 congressmen ang tinamaan ng COVID-19 at isa sa mga ito ay namatay sa katauhan ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr. (BERNARD TAGUINOD)

236

Related posts

Leave a Comment