TINATAMAAN NG COVID-19 SA KAMARA, DUMARAMI

PATULOY na nadaragdagan ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa mababang kapulungan ng Kongreso habang papalapit ang pagbubukas ng second regular session ng 18th Congress.

Sa announcement na inilabas ni House Secretary General (SecGen) Jose Luis G. Montales, sinabi nito na pumalo na sa 16 ang bilang ng mga empleyado ng Kamara ang nagkasakit ng COVID-19.

“We recorded 2 more confirmed cases. The first is a Congressional staff. He reported for work on July 2. He went briefly to their office on July 6, On both occasions, he interacted only with his principal and co-staff members,” ani Montales.

Hindi na binanggit ni Montales ang pangalan ng ika-15 biktima at maging ang mga kongresista kung saan ito nagtatrabaho.

“The second is a member of our security staff who’s suffering from renal problems. He last reported for work on March 12, 2020. Let’s pray for the speedy recovery of our confirmed cases and the well-being of their families,” ayon pa kay Montales.

Ang Kongreso ay magbabalik trabaho sa Hulyo 27, 2020 para sa second regular session na sisimulan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula noong Marso ay nilimitahan na ng Kamara ang mga taong pumapasok sa Batasan Pambansa Complex upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ng mga empleyado ng Kamara na tinamaan ng naturang sakit, dalawa sa mga ito ang namatay na kinabibilangan ng isang chief of staff ng isang Luzon congressman. (BERNARD TAGUINOD)

137

Related posts

Leave a Comment