TINATAYANG 7K PASAHERO MAAAPEKTUHAN NG RIGODON SA NAIA

INAASAHAN ang pagkabuhol-buhol ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa itinakdang rigodon ng mga airline na ipatutupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa buwang ito.

Ayon sa report, mula ngayong Huwebes, ililipat ng MIAA sa Terminal 1 ang mga flight ng Philippine Airlines (PAL) papuntang Canada, United States, Middle East at Bali (Denpasar), habang ang mga domestic flight ng Airasia ay ita-transfer naman sa NAIA Terminal 3.

Inaasahan ang 7,000 pasahero ng PAL palabas ng bansa ang makikipagsiksikan magmula ngayong araw sa departure area ng NAIA Terminal 1, ayon sa pamunuan ng MIAA.

Samantala, napagkasunduan ng MIAA Airport Security Committee (ASC) na tanggalin ang initial screening sa mga terminal upang maibsan umano ang mahabang pila sa check-in counter sa mga paliparan.

At ayon pa sa impormasyon, ito’y antisipasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa sa kalagitnaan ng Disyembre. (FROILAN MORALLOS)

226

Related posts

Leave a Comment