TNT, MAGNOLIA DADALAWA; SMB, MERALCO RERESBAK?

Ni ANN ENCARNACION

INAASAHANG mas iinit pa ang bakbakan sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals ngayong Miyerkoles sa pagitan ng TNT Tropang Giga at San Miguel Beermen, at Magnolia Hotshots at Meralco Bolts.

Unang magsasalpu­kan ang No.1 seed Tropang Giga at No. 4 Beermen sa ganap na alas-3 ng hapon bago ang sagupaan ng Hotshots at Bolts sa ganap na alas-6 ng gabi.

Angat ng isang game ang TNT sa SMB matapos maitakas ang 89-88 pa­nalo noong Linggo. May isang puntos na rin ang Magnolia kontra Meralco makaraang mangibabaw sa Game 1 ng best-of-seven semifinals, 88-79.

Hindi pa rin makapaglalaro para sa TNT si Kelly Williams dahil sa health and safety protocols ng liga.

“It was just all effort. I think the key was us believing we could win ­despite the absence of Kelly. The guys believed and it showed in the way they played,” sambit ni TNT coach Chot Reyes.

Ngunit aminado si Reyes na hindi madali na walang KW ang Tropang Giga.

“There’s no one person who can fill the shoes of Kelly Williams – those are such big shoes – but everybody does a little bit extra in rebounding and defending inside.”

Batid din ng TNT coach na pipiliting makatabla ng Beermen sa Game 2.

Unang isinagawa ng Beermen ang pag-ahon sa 12 puntos na pagka­iwan at kinapos lang ng oras sa endgame para mailusot ng Tropa ang gahiblang panalo.

Samantala, inaasahan din ng Hotshots ang paghihiganti ng Bolts.

“It’s always a tough game, always a dogfight. Both teams naman may pride ‘yan saka they have a system also, they are a deep team also. Kumbaga, duguan bago ka maka-score,” sabi naman ni Magnolia head coach Chito Victolero.

“So it’s all about the discipline and execution. Nakita n’yo naman from start to finish close game. So, siguro sa dulo lang magkakatalo talaga,” pagtatapos niya.

235

Related posts

Leave a Comment