Tracking system kontra side trips ANGKAS KALAKAL BISTADO

PAHIRAPAN na ngayon ang diskarteng angkas-kargamento ng mga pumapalaot na cargo vessels na naglalaman ng mga kalakal papasok at palabas ng bansa.

Ito ang tiniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kasabay ng pagsisiwalat ng kanilang sikreto sa likod ng matagumpay na operasyon laban sa mga patuloy na tangkang pagpupuslit ng mga ilegal na kargamento sa bansa.

Aniya, malaking bentahe sa kanilang kawanihan ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) System na mabilis na tumutukoy sa pag-alis ng isang barko at sa mga “stop-overs” kung saan posible aniyang ikinakarga ang mga kargamentong wala sa idineklarang manipesto.

Bukod sa iwas-side trip, bahagi rin ng kakayahan ng nasabing sistema ang aniya’y pag­lisan ng isang barko ng walang pahintulot mula sa control tower ng isang lehitimong Puerto, tamper alarm ng BOC seal, ang pagpapatay ng GPS na ikinakabit sa lahat ng sasakyang pandagat at iba pang rutang tinatahak ng mga cargo ships.

Pagmamalaki pa ng retiradong heneral na itinalagang mamuno sa ahensyang nanga­ngasiwa sa pumapasok at lumalabas na kalakal sa bansa, may 67 alarma na ang kanilang naitala mula pa buwan ng Enero, gamit ang E-TRACC na kanilang sinimulang ipinatupad nito lang nakaraang taon.

Sa tuwing may alarma, agad na idinidispatsa aniya ng kanilang kawanihan ang Enforcement and Security Service (ESS) para rumesponde, alamin ang sitwasyon, mag-imbestiga o ‘di naman kaya’y tugisin sakaling may kahina-hinalang kilos ang pakay na sasakyang dagat.

Sa datos mula Enero 2021 ng Assessment & Operations Coordinating Group (AOCG), nakapagtala ng kabuuang 189,003 byahe ang mga cargo ships na rehistrado sa talaan ng BOC. Sa nasabing bilang, 106,009 dito’y pasok sa PEZA, 47,613 naman sa mga Cold Storage Warehouse, 19,475 sa mga Customs Bonded Warehouse (CBW) Imports, 11,861 biyaheng Container Yard/Container Freight Station, 2,688 biyaheng CBW Exports, at 645 para sa tinatawag na “condemned trips.”

Giit ni Guerrero, malaking bentahe kontra smuggling ang kanilang ETRACC system sa kanilang mandatong panatilihin ang integridad ng kawanihang dating kilala lang sa katiwalian

210

Related posts

Leave a Comment